Chapter 53: Letters WALA kaming pinag-usapan kung ano ang kulay ng isusuot namin. Naka-white dress ako, ganoon din ang suot ni Astrid. Si Ashtine ay pink na baby dress. Si Lee naman ay nakaputing polo rin siya, itim na pantalon naman sa baba. See? Mukhang may pinag-usapan talaga, kahit wala naman. “Ready na ba kayo?” tanong ng photographer sa amin. Pinaupo ko na muna si couch si Ashtine, kumakain siya ng marshmallow. Dala-dala pa niya ang stuff toy niya, at sunod ay inayos ko ang damit ng aking anak. “After this, mag-picture kayo ng Ate Ash mo, anak ha?” “Opo, momma. Tayo rin momma ha?” malambing niyang tanong. “Sure, baby.” Humalik ako sa matambok niyang pisngi, bago ako lumapit kina Lee at Astrid. Magkatabi kaming nakaupo ni Lee, at kandong niya ang anak namin. Naka-pose agad si

