Chapter 35: Astrid’s concern LEIGHTON HINDI ko nagawang iwan si Astrid sa lola niya, kasi nakiusap siya na sumama sa amin. Si mama na ang pumilit sa akin na isama na ang anak ko. Naawa siya sa bubwit, e. Ewan ko kung ano ang nangyayari kay Astrid, mabilis naman siyang kausap. Kapag sinabi mong hindi puwedeng sumama ay hindi naman siya magpupumilit pa. Pero ngayon, iba ang nangyari. Nakiusap talaga siya, at yumakap pa sa akin. Pero hindi ko naman inaasahan, sa pagdating namin sa hospital ay may mangyayari pala. May tinitingnan kasi ako, si Ashtine lang din ang hinahawakan ko sa kamay. Kasi siya itong makulit at kapag binitawan ko ang kamay ay baka tumakbo na lang bigla. Panatag ang loob ko na sumusunod lang sa amin si Astrid, ramdam kong nahawak naman siya sa damit ko. Ang kaso hindi

