Chapter 30: Jealous KITANG-KITA ko kung paano napaatras nang tatlong hakbang si Ashtine, handa na siyang umalis mula sa kinatatayuan niya. Narinig ko na rin ang mahinang pagmumura ng asawa ko. Inaabot ko ang kamay niya para kurutin siya, dahil nasa tabi lang niya si Astrid. Naguguluhan na ring napatingin ang pamilya ni Xanthe sa bata. Nandoon ang mama’t papa niya, at kilala ko ang isa base sa litrato na ipinakita niya sa akin. Nakatatanda niyang kapatid iyon. Lalapitan ko pa lang sana si Ashtine nang inilahad na ni Xanthe ang kamay niya sa bata. Bagamat nag-aalalangan pa rin ito. “Come here, darling. Ipapakilala kita sa pamilya ko,” malambing na sabi niya, mas nalito ang mga ito at nagtatanong na kung ano ang nangyayari. Humigpit ang hawak nito sa suot niyang jumper, mararahan na napa

