Ganun na lang na dumaan ang araw na iyon sa kanila. Ganun na lang natapos ang lahat. Sa sunod na araw ay maaga naman nagising si Kylie at naghanda para pumasok. Ngayon wala na siya dahilan matakot dahil gagawin na ni Atlas ang “tama” sa paningin ng lahat. Humarap siya sa salamin, zombie lang ang peg niya ngayon. Naligo siya at nagayos, matino na naman siya tignan pero di matanggal ang bakas na iniwan ng magdamag na pagiyak. Pagdating niya sa office ay tinanong agad siya ng lahat kung ano ang nangyari sa kanya. Pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa kanila. O kaya di pa siya masyado magaling pero kailangan na pumasok. She gave herself a mental note to thank Jane for posting a sick leave for her yesterday. Pagkaupo niya ay agad siya nilapitan ni Mrs. Cruz “Kylie, kamusta ka na? Mukhan

