Dumating ang buwan kung kelan dumating si Cassie at Atlas. Dahil excited si Kylie makita ang kapatid siya pa talaga mismo ang sumundo dito kasama si Kuya Lino. “Ate!!” Tawag ni Cassie pagkakita na pagkakita sa ate niya. “Cassiee!! Ang laki laki mo na” Yakap niya naman agad sa bata at binuhat pa ito at puro hagikhik lang ang sagot ng bata sa kanya. Nginitian niya lang din si Atlas na nakita niyang papalapit na rin dala dala mga gamit niya. “Miss you Hon” Singit niya naman sa moment ng magkapatid at yumakap din dito. “You’ve lost some weight” Pabulong niya komento kay Kylie na hindi naman pinansin ni Kylie. “Tara na sa sasakyan,mahaba haba din ang byahe niyo para makapagpahinga na kayo” Yaya ni Kylie Sa loob ng sasakyan ay panay naman ang kwento ni Cassie sa kung ano anong bagay, sa mg

