SEVEN

2421 Words
Dapit hapon na nang magising si Idelaide. Nagising siya sa estrangherong silid at makirot din ang gitnang bahagi ng mga hita niya. Ipinilig niya ang ulo upang alalahanin ang mga nangyari at nang matagumpay na maalala iyon, nanlalaki ang mga mata na inilibot niya iyon sa kabuuan ng silid para hanapin si Jameson. Ngunit wala doon ang binata. Bumangon siya at itinapis ang kumot sa katawan. Hinanap niya ang sariling damit at natagpuan niya iyon na maayos na nakatupi sa ibabaw ng sofa. Mabilis niyang isinuot iyon at bumalik sa sariling apartment. Hindi siya mapakali habang nakaupo sa may kusina. Ano na lang ang sasabihin niya sa guwapo niyang kapitbahay? Hi, Mr. Jameson Ramirez, ang sarap mo. Ganoon? “s**t naman kasi e! Ang tanga- tanga mo, Idelaide!” inis na sinabunutan niya ang sarili. Tinungo niya ang banyo at naligo. Nagbabaka- sakaling mawala ang inis sa sarili na nararamdaman. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng maiksing cotton shorts at oversized na t-shirt. Saktong tinutuyo na niya ang buhok sa harap ng vanity mirror nang malalakas na katok mula sa pinto ang bumulabog sa kaniya. Shit! Nakaramdam siya ng kaba. Iisang tao lang naman kasi ang pwedeng mambulabog sa kaniya ng ganoong oras. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana na nagsisilbing peephole niya at hinawi ang kurtina para silipin ang kumakatok sa pinto. At ganoon na lamang ang gulat niya nang mukha ni Jameson ang tumambad sa kaniya sa bintana. Saktong sumisilip din pala ito. Sa gulat niya, napaatras siya at nabuwal paupo sa sahig. Tumama tuloy ang pang-upo niya doon. “Aray ko!” nag-isang linya ang kilay niya, mabilis na tumayo at galit na binuksan ang pinto. “Ano na naman ba kasi ang kailangan mo--” Natigilan siya at napaatras nang ang galit na mukha ni Jameson ang napagbuksan niya. Nakakunot ang noo nito at diretsong nakatingin sa mga mata niya. Bawat hakbang niya paatras ay humahakbang naman ang binata paabante sa kaniya. Pabalya nitong isinara ang pinto at mabilis na ini-lock iyon. Ano na naman ba kasi ang ikinakagalit ng hudyong ito? “Ay!” sa kakaatras niya ay nabuwal siya pahiga sa sofa. Namilog ang mga mata niya nang mabilis siyang kinubabawan ng binata. Nakaangat ang kalahati ng katawan nito na sinusuportahan ng mga kamay nito na nasa magkabilang gilid niya para hindi siya nito tuluyang madaganan. Ipinilig niya pagilid ang ulo. Hindi siya diretsong makatingin dito. “A-ano na naman bang k-kailangan mo?” mahinang tanong niya. Masyadong malapit sa isa’t isa ang mga katawan nila at hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng sariling katawan. “Umalis lang ako saglit. Pagbalik ko, wala ka na kaagad. Maybe I should have penetrated you rough and hard hanggang sa hindi ka na makalakad o makatayo man lang.” Nanlaki lalo ang mga mata niya. This brute! Anong gagawin nito sa kaniya? Jujugjugin hanggang malumpo? Ipinilig niya ang ulo paharap sa binata para sana magprotesta sa sinabi nito ngunit agad din siyang nagsisi. Dahil masyado pa lang malapit ang mukha nito sa kaniya at eksaktong pagharap niya ay naglapat ang mga labi nila. “Uhmm,” ungol niya sa labi nito. Sinubukan niya itong itulak ngunit mas idiniin pa ng binata ang katawan nito sa kaniya at tulutmyan nang idinagan sa kaniya ang pang-ibabang parte ng katawan nito. “J-jameson,” napapikit siya nang gumapang ang halik nito sa tenga niya pababa sa gilid ng kaniyang leeg. “I like it when you moan my name,” anas nito sa pagitan ng mga mumunting halik. Umangat ang isang kamay nito at pumasok sa loob ng t-shirt niya. Pumipisil- pisil at dumadama sa balat niya. Gumapang iyon pataas sa ibabaw ng dibdib niya na natatakpan pa ng bra at bahagyang minasahe iyon. Natauhan siya. Pinagana niya ang natitirang pisi ng katinuan niya na hindi pa nalalandi ni Jameson. Buong lakas niyang itinulak ang binata dahilan para malaglag ito sa sofa. Dali- dali siyang naupo ng maayos at inayos din ang sarili niya. “What the heck?” tumayo si Jameson hawak ang pang-upo nito na tumama sa sahig. “Bakit mo ako itinulak?” iritadong tanong nito. “Ahm… kasi… ahm,” naging mailap ang mga mata niya at pinaglaruan ang sariling daliri. “Masakit pa…” mahina niyang bigkas. “What?” mas lumalim pa ang gatla sa noo ng binata. “I can't hear what you are saying.” Siya naman ang tinamaan ng pagkairita. Nag-isang linya ang kilay niya. “Masakit pa nga kasi! Ang laki-laki kaya niyang alaga mo!” iritadong bulyaw niya dito. Naiinis na inihalukipkip niya ang mga braso. Natigilan naman si Jameson sa sinabi ng dalaga. Nakahalukipkip ang mga braso nito, pulang- pula ang mukha na nakasimangot, at sa ibang direksiyon nakatingin. At nang ma-realized niya ang sinabi nito, unti-unti siyang napangiti, na nauwi sa malakas na tawa. His laughter filled her entire apartment. Iniisip ba nitong gagawin uli nila ang bagay na ‘iyon’? Nagtataka naman itong tumingin sa kaniya. “At anong tinatawa- tawa mo diyan ha, hudyo ka?” pagtataray nito sa kaniya. f**k, she's pretty. Tila nawala lahat ng pagkairitang naramdaman niya nang umuwi siya kani-kanina lamang at hindi niya naabutan doon, bagkus ang kumot na nakabalumbon na lamang sa sala ang naabutan niya. Umayos siya ng pagkakatayo at pinagpagan ang khaki short niya. Inisang hakbang niya ang pagitan nila ng dalaga at naupo sa tabi nito. He felt her stilled. Bahagya itong nag-flinch nang yakapin niya ng mahigpit ang bewang nito at isiniksik ang mukha niya sa gilid ng leeg nito. But she didn't pull away. Hinayaan lamang nito na yumakap siya. He can almost feel her heart beating. Mabilis iyon. Iradikal. Kasing bilis din ng kabog ng puso niya. “Do you think I’ll force you to do ‘it’ again?” anas niya sa gilid ng leeg nito. She stilled, na para bang nahihirapan ito huminga. Hindi ito sumagot pero alam niyang natigilan ito sa sinabi niya. He smiled on the side of her neck. His Ide is shy. His Ide? What the f**k? “Ahm… kasi, ahm…” she didn't know what to say. Pinaglalaruan ng dalaga ang sariling daliri. “Honey, yes, I really want to f**k every inch of you, but I’m not a monster,” he planted small kisses on her neck. “Monster in bed, maybe,” he chuckled. Mahina siya nitong hinampas sa balikat ngunit tinawanan lamang niya iyon. “It’s your first time. It's painful, I know. And I want to let you adjust your body first.” Pakiramdam niya ay may kung anong engkanto talaga ang sumanib sa kaniya. He don't do virgins. They are clingy and always make things big deal. Ewan ba niya pero pagdating kay Idelaide, he always break his rule. It is easy to break his rule. At alam niyang hindi maganda ang maaring kahinatnan niyon. He even felt proud na siya ang nakauna sa dalaga. Satisfaction is filling his whole being. He clearly know that she is not healthy for him. Pero ang possessive side niya ang madalas gumana kapag si Ide ang usapan. He becomes selfish than he already is and he only want her for himself. Baka mapatay niya ang ibang lalaking hahawak dito. His smile faded when he heard a low growl. Nakita niya kung paano sinapo ng dalaga ang tiyan nito at nahihiyang sumulyap sa kaniya. “Ahm… I’m sorry, hindi pa kasi ako kumakain mula kaninang umaga. Ang plano ko kasi kakain sana muna bago manood ng sine,” tila nagdadalawang isip ito kung ngingiti ba ito sa kaniya o ano. Nag-isang linya kilay niya. After their steamy love making, nakatulog ito, ibig sabihin, hindi pa din ito nagtatanghalian, at ngayon ay oras na ng hapunan. Saglit siyang natigilan. Love making? He don't do love makings. He just f**k. End of story. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi iyon. “Ay!” Napatili naman si Idelaide nang walang sere- seremonyang bigla na lamang siyang pinangko ng binata at dinala sa apartment nito. Naghatak ito ng isang silya sa kusina at doon siya ibinaba nito. “What are you doing--” “Stay still,” sansala nito sa iba pa sana niyang sasabihin. Nakita niya kung paano nito isinalin ang pagkain  na nasa mga tupperware sa malapad na pinggan. May kare-kare doon, adobong manok at ilang pirasong porkchop. May chopsuy din at ilang slice ng pinya. Nagsandok ang binata ng kanin galing sa rice cooker at inilapag ang plato sa harap niya. “Kain ka na,” nagsandok din ito ng kanin para sa sarili nito at tinabihan siya. Maalaga din naman pala ang mokong na ito kahit papaano. “Niluto mo ito?” tanong niya at sumandok ng ulam. “Nah. I went to Creig's. Siya ang nagluto niyan. If I'm gonna cook, I won't let you eat it. You might be poisoned. Eat me instead,” kinindatan pa siya ng mokong. Pero agad nawala ang pilyong ngiti nito at napalitan ng simangot. “Tapos pag uwi ko dito satin, wala ka na.” Parang iba ang dating niyon sa kaniya. Pilit niyang iwinaksi iyon sa isip. Inungusan na lamang niya ito at nagsimulang kumain. Gutom na gutom na talaga siya. Nagsimula na ding kumain ang binata. Nilukob sila ng katahimikan. Nakakabingi. Wala naman kasi siyang maisip na sabihin kay Jameson. Kaya nanatiling tikom ang labi niya. “Do you want to see a movie with me?” Bahagya siyang nabilaukan sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya? Niyaya ba siya nitong manood ng sine? “Hey, are you okay?” Saglit itong tumayo at nagtungo sa ref. Inabutan siya nito ng tubig. Agad niya iyong tinanggap. Naramdaman pa niya ang marahang paghagod ng binata sa likod niya. “Okay na ko,” she said. Umupo na muli si Jameson sa tabi niya. “I guess you don't want to see a movie with me,” nakatitig ito sa pagkain. “Ha? Hindi sa ganun.” Nagulat lang ako. Hindi ako makapaniwala sayo e! Gusto sana niyang idugtong iyon pero pinigilan niya ang sarili. Wala pa ding imik ang binata. Hindi din siya nito pinansin. At naiinis siya sa hindi niya malamang dahilan. “Sige na nga. Manood tayo ng sine pagkatapos kumain.” Tumingin siya dito. Nakangisi sa kaniya ang binata. Naningkit ang mata niya. “You're playing sad with me, aren't you?” “Effective diba? Pumayag ka manood. Tsaka iyon naman talaga ang plano mo kaninang umaga bago kita...,” he chuckled, at hinagod ng tingin ang katawan niya. Pabiro niyang sinuntok ang balikat nito. “Ambastos mo naman!” He even wiggled his eyebrows on her. She just rolled her eyes on him, at lihim na ngumiti. “Ewan ko sayo.” Mabilis nilang tinapos ang pagkain. “Go fix yourself. Ako na ang bahala dito,” sabi ni Jameson at sinimulang linisin ang pinagkainan nila. “Okay,” tumayo na siya at tinalikuran ito. She can't helped but to smile. Excited siyang manood ng movie kasama ang binata. Nasa pinto na siya nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. “Ide, my honey.” Itinago niya ang ngiti nang muling humarap siya dito. “Oh?” “Don’t wear the dress that wore earlier.” Kumunot ang noo niya. “At bakit?” pagtataray niya dito. “I might end up ripping it off from you and f**k you in my car,” nanuot sa buong kalamnan niya ang sinabi nito. Nalunok niya ang sariling laway nang matiim siyang hinagod ng tingin nito. “B- bahala ka nga d-diyan!” mabilis siyang tumakbo palabas ng apartment nito at tumakbo pabalik ng apartment niya. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya. That man is indeed dangerous for her heart! *** “Malapit lamang naman pala ang mall sa apartment mo. Pati ang branch ng resto-bar ni Creig dito, malapit din sa apartment mo. Isang sakay lang,” hindi mapigilang komento ni Jameson habang ipina-park ang sasakyan na lulan sila. Inayos niya ang suot. Naka-jeans siya at blusa dahil ayaw ng binata ng isuot niya ang dress na suot niya kaninang umaga. “Yep,” she answered him popping the ‘p’. Aalisin na sana niya ang seatbelt nang pinigilan siya ni Jameson. Napatingin tuloy siya dito. Mataman din palang nakatingin sa kaniya ang binata. “B-bakit?” she can feel his intensed stare at her. It is soothing inside her whole body. Imbes na sagutin siya, unti unting dumukwang sa kaniya ang binata. And next thing she knew, their lips met. Kusang pumikit ang mga mata niya at sinalubong ang halik nito. She responded to him like it was their last kiss together. Mas sinapo pa ng binata ang mukha niya at pinalalim ang halik. Her heart is beating fast, so is his. May sariling isip ang mga braso niya at kumawit iyon sa leeg ng binata. She likes this feeling though she can't explain what feeling is this. She can't name it yet. Ang alam niya lang, something inside her is coming to life everytime she is with Jameson. And somehow, she's afraid of it. Na baka pag dumating ang araw na mawalan na ng gana ang binata, he’ll discard her. Unconsciously, her tears stream down her cheeks. Tila naramdaman iyon ng binata. Saglit itong humiwalay sa kaniya at tinitigan siya ng puno nga emosyon. Mga emosyon na hindi niya mapangalanan. “You…” itinuro ng binata ang puso nito. “You make me feel weird. You make my heart feel weird.” Pinahid nito ang luha niya. He brushed his cheek using his thumb. “Please don't cry. It makes this organ...,” tinuro -turo nito ang sariling puso “...clench.” Ngumiti siya dito. Wala sa sariling niyakap niya ito. For a second, iyon lamang ang gusto niyang gawin. Ang yakapin ito. Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. “Do I make your heart feel weird too?” Tumango- tangon siya sa leeg nito. “Then we’ll get weird together until we can explain why we feel this weirdness.” He smiled widely at her. It was a genuine smile, and she cant helped but to smile back. Yeah, we’ll get weird together. In the end, they missed the movie but decided to hang out in the parking lot. Talking about nonsense things and sweet nothings. ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD