C1

2155 Words
C1 Nag-iisip si Brittany kung anong ibibigay niya sa anak niya sa birthday nito sa isang araw, kaya lang wala syang maisip dahil simula naman nang magkatrabaho siya bilang isang DJ sa sikat na FM radio station, lahat ng laruan yata sa toy store na gusto ng anak niya ay naibigay na niya. Wala siyang pinaglaanan na iba, ito lamang kaya balewala na maubos ang kalahati ng sweldo para kay Hayden. Si Hayden ang kaisa-isang kayamanan niya bukod pa sa ama-amahan niyang kumupkop sa kanya at nagpalaki, na pagkatapos na gumaling ay todo kayod na naman para makapagtapos sya, at ngayon ay kaisa-isa ring magulang na meron sya dahil hindi pa nya nahahanap ang tunay niyang pamilya. Ang tatay-tatayan niyang iyon ang naging dahilan kaya napilitan syang kumapit sa patalim noong desi syete pa lang sya at nag-aaral sa Manila. ... Naglalakad si Brittany papasok sa isang apartelle. Kinig ang mga kamay niya pero pikit matang tanggap na niya ang gagawin. Sasayaw sya ng naka two piece sa harap ng mga kalalakihan sa bachelor's party ng ikakasal na lalaki. Wala syang alam sa mga yun, basta ang alam niya ay ang address at room number. Mauna na raw sya at uminom kung hindi kaya ng sikmura ang gagawin. Yun ang bilin ni Madonna sa kanya. Kaklase niya ang babae at side line na niyon ang ganoong maghanap ng mga estudyante na kailangan ng pera. Hindi naman yun nagbubugaw. Kung anu-ano lang talagang niraraket ng babae at nataunan na kailangan niya ng pera kaya sya mismo ang nagtanong kung may pwede iyong ialok sa kanyang pagkakakitaan dahil kailangan ng pera ng ama-amahan niyang nasa ospital at may tuberculosis. At ito na ang trabaho na yun. Mas gusto raw ng ikakasal ang bata pa at estudyante para raw hindi mga demanding. Malaki naman ang bayad at nauna na nga ang fifteen thousand, at susunod pa ang kalahati. Mayaman daw kasi at mayaman ang mga kaibigan na darating ng bachelor. Halos hindi pa niya maiswipe ang keycard sa nerbyos. Ang sabi ay patay lahat ng CCTV roon para raw wala syang katakutan na kakalat sya sa social media. Mula pagpasok hanggang sa paglabas ay walang gagana na CCTV kahit isa, pero kahit kumalat pa sya, todo na iyon kaysa mamatay ang ama-amahan niya. Hindi naman siya magpapagamit. Kumbaga ay parang susupresahin lang niya ang lalaking malapit ng ikasal. Nailibot ni Brittany ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Pagkapasok niya ay nakaayos na ang loob. May kama syempre na parang sa hula niya ay gagawing stage dahil may kurtinang nakasabit sa kisame. May mga disco led lights, may mga silya at may mga alak. Napapikit sya at naitanong sa sarili kung kaya ba niya. Kakayanin niya. Pumasok sya sa banyo at nakita niya ang lacy black panty at bra roon na naka hanger. Diyos ko! Handa na nga talaga. Pinalitan niya ang damit na suot at nagbalot lang ng robe na nandoon para matakpan ang halos hubad niyang katawan. Bumuga sya ng hangin at tinungo ang fridge. May mga alak doon at kumuha sya ng tatlo. First time sa buhay niya na iinom sya ng alak. She made sure na naubos niyang lahat yun at parang tinakasan na sya ng lakas ng tuhod. Napasobra yata kasi di na sya makabuhat. Narinig niyang may mga nag-iingay na kalalakihan sa mya pinto pero parang sarado na ang talukap ng mga mata niya. Bwisit!naparami yata yung inom niya. "Yohoo! Sa'yo ang babae! Ikaw ang unang pumasok! " narinig niyang sigaw ng isang lalake sa kasama pero wala syang pakialam. "That's a promise!" anang lalake na parang ang ganda ng boses. Nakahiga sya sa sahig at gusto na niyang matulog sa sobrang kalasingan. Tulog na nga siguro siya dahil pikit na ang talukap ng mga mata. "Bakit lasing na ng sobra to?" narinig niyang tanong ng isa na parang dismayado pa. Humagikhik sya. O di ayos. Walang magaganap na sayawan. Maya-maya ay naramdaman niya na may humawak sa braso niya at pilit syang itinayo. "You're so drunk. Can you stand?" tanong niyon sa kanya at pilit niyang iminulat ang mga mata pero wala halos syang makita. Kumukurap at nanalalabong mga mata ang problema niya. Doble na nga ang lahat ng bagay, dikit dikit pa. Gumigewang ang buong mundo. Naramdaman niyang lumaylay ang ulo at katawan niya kasabay ng mahinang pag-ungol. Di na niya kaya. Buti na lang may nakasalo sa katawan niya. Di niya alam kung braso ba o mesa o kama iyon basta may nakasalo at wala na siyang pakialam. "This is a big joke! Wala na yan. Di na yan makakasayaw." anang isang lalake sa gitna ng ingay at hiyawan. "So ano na yan bro? Sa bar na lang kami? Ikaw na bahala dyan total naman ikaw ang naunang pumasok, and that's the surprise gift. Who enters first, will enter hers. Allright!" sabi pa ng lalake na parang tuwang tuwa. Maraming boses iyon pero mayroong napakaganda ng boses na bukod tangi sa lahat. "Yeah sure! I'll get her. Is she already paid?" tanong ng boses na maganda. "Kalahati pa. Iwanan mo na lang sa bedside table yung 15k pagkatapos mo." "Okay! I'll pay her on my own," aniyon pa pero wala syang pakialam. Hanggang sa parang matahimik na ang lugar at wala na syang marinig pa. "Hey..." untag sa kanya ng naiwan na lalake pero wala syang sagot kundi ungol, saka niya pinilit magsalita. "I'll dance. S-Sasayaw daw ako,” aniya at pilit inangat ang ulo pero parang mababali ang leeg niya at nang tangkain niyang tumayo ay lalo siyang nanlupaypay pero mahigpit ang pagkakasalo sa kanya ng lalake na hindi niya kilala. "Where do you live? Ihahatid na kita." anito sa kanya pero ngumiti sya. "N-No. I'll dance first… kasi kailangan ko ng pera…" pautal ang salita niya at putul-putol pero nabibigkas naman niya. Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng lalake at saka niya hinubad ang roba na suot habang humahakbang papunta sa di niya alam na direksyon. Pikit siya at kahit na ipilit niyang ibukas ang mga saradong mata, wala talagang rumirehistro na kahit ano. Bali-baliko ang lakad niya hanggang sa mabangga ang tuhod niya sa isang bagay at bumagsak sa malambot na bagay, papadapa. "Put your clothes on. They're gone." utos ng lalake sa kanya at hinawakan ang braso niya pero iwinaksi niya. She tried to stand up, pero bumagsak ulit sya ang this time, braso ang sumalo sa kanya ulit kasabay ng pagtumba sa kama. Aw! May mabigat sa ibabaw niya. She forced fully opened her eyes pero wala pa rin syang maaninag hanggang sa kapain niya kung ano ba ang nasa harap niya at kung tama sya sa kabila ng kalasingan ay tao yun. She felt his ears, eyes, nose and lips... She touched it with her forefinger but she gasped when she felt a tender bite on her finger. Parang tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan at nanginit ang pakiramdam niya dahil lang sa simpleng galaw na yun ng lalake. She's innocent but there's something that she wants to explore suddenly, hanggang sa maramdaman niya na may humahalik halik sa leeg niya. Kahit lasing sya ay alam niyang panganib yun pero parang nagugustuhan niya. "Do you like this baby?" tanong nito sa kanya pero di sya sumagot. Wala syang balak na sumagot dahil nag-aagaw ang antok at init ng katawan niya. Hinawakan niya ang buhok ng lalake at nagawa pang haplusin iyon. Parang gusto nga rin niya... Nagising si Brittany na masakit ang ulo, masakit ang katawan. "Ahh!" mariin syang napapikit nang tila wala syang maaalala kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Hanggang sa unti-unting maalala niya na naglalasing siya at hanggang doon lang ang memorya na meron sya. Napabalikwas sya ng bangon at nahulog ang kumot niya sa baywang kaya nanggilalas sya nang makita na hubad sya at may mga dugo sa kumot na gamit niya. Nangilid ang luha niya nang maramdaman na may masakit sa kanya sa parteng ibaba, partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Nasapo niya ang noo. May experience na sya sa lalake. Hindi na sya inosente. Pero sino? Hindi siya tanga. Hindi siya bulag. Pumikit sya ng mariin para alalahanin kung sino pero wala ni bakas ng kahit anong alaala ng mukha ng lalake na nakauna sa kanya. Kinalma niya ang sarili. Hindi na sya pwedeng umiyak. Tapos na at wala nang magagawa ang iyak niya. Dumako ang mga mata niya sa pera na nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng lampshade. Wala na siyang kasama sa loob ng suite na iyon. Mag-isa nanlang siya at kahit alaala ay parang iniwan din siya. Doon parang bumaba ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman sya bayarang babae, pero anong gagawin niya? Kailangan nyang kunin yun para sa Papa niya. Natuwa yata sa kanya ang lalaki kaya twenty five thousand ang nakaiwan doon. Bakit sobra? Dahil ba virgin pa sya? Kulang pa yun kung tutuusin. Wala naman sa usapan ang magpapagamit sya pero sinisisi rin niya ang sarili niya dahil nagpakalasing sya at nawala sa katinuan. Ngayon ay may nangyari na, paano pa? Wala na, kaya ibaon na lang sa limot at sana huwag ng maulit pa. ... Pagkalipas ng isang bwan, ang akala niya ay sinisikmura sya uma-umaga. Ano bang malay niya sa pagbubutis? Di naman nya yun alam kaya akala niya ay kung ano lang hanggang sa himatayin sya sa eskwelahan sa sobrang anemic. Yun pala ay may baby na sya sa loob ng tyan. Doon lang nya sinabi kay Luna ang lahat. Ito na rin kasi ang tumayo niyang kapatid sa loob ng halos dalawang taon at di sya pinababayaan, yun lang ay parehas din naman niyang mahirap lang. Sinamahan pa sya ng kaibigan niya pagbalik sa apartelle na yun pero iba na raw ang may-ari dahil nag migrate na sa Hawaii pagkatapos magpakasal. Di naman nga rin niya sigurado kung ang dating may-ari niyon ang nakabuntis sa kanya o isa sa mga kaibigan niyon. Di na rin sya nagpumilit pa dahil kahit ang nag-alok sa kanya ng trabaho na si Madonna ay wala ring alam. Phone call lang naman daw ang deal at ipinadala lang sa tao ang paunang bayad. Buti na lang din at naintindihan naman ng ama-amahan niya ang lahat nang ipagtapat niya ang totoo noong umuwi sya sa probinsya. She was forced to stop attending school kasi dahil nga buntis sya at pagkapanganak niya ay sumama na ang Papa niya sa Maynila at naging taxi driver naman, kaya nakapag-aral ulit sya kahit medyo huli na. Iniiwan niya ang baby Hayden niya sa landlady na inuupahan nila ng bahay. Yun pala ay may gusto naman sa Papa niya kaya ngayon di na sila nagrerenta dahil kasal na ang dalawa. May Papa na siya, may Mama pa. Umiling na lang sya at napangiti sa alaala na yun na kahit minsan naman di nya dinala na mabigat sa dibdib. Sino ba ang magsisisi kung magkaroon ng anak na katulad ng anak niya? "Oy, nagre-reminisce." anang boses ni Luna na kapapasok pa lang sa loob ng booth. Parehas na silang DJ at ito ang nagpasok sa kanya roon, yun lang ay manager na rin ito dahil naunang makapagtapos kesa sa kanya pero di pa rin sya nakalimutan. "May naalala lang,” sagot naman niya. "Saka iniisip ko kung anong present ko kay Hayden. Di ko naman kasi kaya yun ticket sa concert nung banda na gusto niya. Aatakihin ako sa puso sa sobrang mahal." umiling sya. Thirty thousand kasi ang front view, per head. Dalawa sila ni Hayden, Sixty thousand agad? Grabe. Sobrang mamahalin ng boy band na yun na magko concert sa Pilipinas. Paano ay sobrang pogi naman ng bokalista at ang galing pa. Nagkataon pa naman na paborito ng anak niya at mismong birthday pa niyon gaganapin ang big concert ng The Heartthrobs. Itinaas ni Luna ang dalawang ticket. "Charan! Wish granted kay inaanak!" nakangising sabi nito. Saan nito ninakaw ang lintik na concert tickets? Nganga siya sa kaibigan. Wala naman syang balak pumunta roon. Yun anak lang nya sana pero di naman makakapag-isa si Hayden kasi aanim na taon. "Ikaw na lang ang sumama,” aniya sa kaibigan. "Ano ka? Mamaya mawala yun eh di napatay mo pa ako. Tayo kamong tatlo. Sa inyo na ito. Libre lang kasi ito, bigay sa station natin. Pasalamat tayo dahil tayo ang pinakamagaling na DJ doon. Bili raw ito ng may-ari. Ako na lang ang magbabayad ng 20k para sa sarili kasi wala naman akong pinagkakagastusan na iba. Kawawa si inaanak kaya gora na mare ha! Wag ng umangal! Pogi si Mister Heartthrob!" humagikhik pa ito. Napantingin sya sa isang poster ng banda na yun na nakapaskil sa dingding ng booth. She gazed at the lead vocalist's face. Gwapo nga talaga ng sobra iyon. Hindi lang panty ang malalaglag sa makakakita rito kundi makalaglag din ng ngalangala ang karisma ng Nate Elizares na yun. Sigurado matutuwa ang anak niya kapag nalaman ang regalo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD