KAHIT hindi masyadong nakatulog si Xena ay maaga pa rin siyang nagising kinabukasan. Hindi na nga siya nakatulog sa kuwarto niya dahil binantayan niya si Zev doon sa living room. Nang umakyat siya sa silid niya para maligo at magbihis ay tulog na tulog pa rin ito sa couch. Hanggang sa makababa siya ulit ay tulog na tulog pa rin ito, napatingin naman siya sa wrist watch niya at alas otso na kaya kailangan na niyang bumaba roon sa ospital. Sa pagkakaalam din niya ay wala naman itong schedule for that day kaya hinayaan na lang muna niya itong matulog. Pagbaba niya ay agad na sinalubong siya ni Andrei kaya wala na siyang magagawa para iwasan ito. “Good morning, Xena,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good morning,” matipid naman na sagot niya at nilagpasan lang ito. Kahit medyo nainis siya

