NANG matapos kausapin ni Xena ang Mama ni Zev ay nagpaalam na ito sa kanila dahil may meeting pa raw ito. Pag-alis ng ginang ay tumingin sa kaniya si Zev. “Oh, bakit?” nagtatakang tanong niya sa binata. “Tara na, mag-swimming na tayo habang maaga pa. Masarap lumangoy ng ganitong oras,” tugon naman nito kaya mas lalo siyang na-excite. “Magbibihis lang ako, saan ba pwedeng magbihis dito?” “Tara, doon ka na sa kuwarto na tutulugan mo mamayang gabi,” aya naman nito sa kaniya pagtapos ay dinala siya nito sa 2nd floor ng villa. “Ang laki rin pala nito, Zev,” aniya habang iniikot ang mata sa kabuuan ng bahay. “Dito ba kayong lahat na magpipinsan kapag bakasyon?” “Hindi, may mga villa rin sila rito. This villa was for our family only, pare-pareho lang ang designs at laki ng mga villa namin.

