DAHIL isang oras na lang ang mayroon si Xena ay wala na siyang maraming oras para mag-ayos ng sarili. Naligo lang siya at agad niyang kinuha ang damit na naka-designate niyang suotin para sa araw na iyon.
It was a black lace dress, the turtle neckline was perfectly fit to her and it emphasize her dainty shoulder, it was entirely covered by the black lace. The sleeves were only just below her elbow, which gives a classy and polished look. While the waist was not decorated with anything in order to create a graceful and flowing look and its length was reached just below her knee. She paired it with ankle strap sandals.
She doesn’t have enough time to put some make up kaya simpleng make up na lang ang ginawa niya sa sarili. She just put some foundation, and lip tint because to be honest, she was not a fan of lipsticks. Mas madali kasing mag-dry ang lips siya kapag gumagamit siya ng lipstick so never na siya ulit gumamit noon.
Nang masigurado niyang okay na ang itsura niya ay tiningnan niya muna ang oras sa wrist watch na suot niya. It was already 7:45 AM, may 15 minutes na lang siya para pumunta sa venue. Nagmamadali niyang kinuha ang pouch niya saka agad na lumabas ng suite niya at dahil nasa 12th floor sila ay naghintay pa siya ng elevator, doon pa lang ay 2 minutes na agad ang nauubos niyang oras.
Nang huminto ang elevator sa floor niya ay agad siyang pumasok roon. Nang sumakay siya ay isang lalaki lang ang kasabay niya roon, na hindi niya malaman kung Pinoy ba ito o Koreano dahil sa itsura nito. Pero dahil nga nagmamadali siya ay hindi na lang niya pinansin kung ano ang nasa isip niya.
“Are you a Filipina?” tanong nito sa kaniya nang sumara na ang elevator kaya napatingin siya rito. Halos magkatapat lang ang kinatatayuan nila sa loob ng elevator na ‘yon.
“Yes, I am. Pinoy ka ba?” tanong niya rin dito.
“Oh, nice! Hindi ko akalain na may makikita akong Pinay rito.” Napangiti ito kaya nginitian na lang din niya. Hindi kasi niya ugaling makipag-usap sa mga bago pa lang niyang kakilala pero dahil nasa banyagang lugar siya kahit papaano nakaramdam siya nang pagkakomportable sa katauhan nito.
She was about to talk again nang may maramdaman siyang pumitik mula sa likod niya at kasunod noon ay may dalawang butones na nalaglag sa sahig ng elevator at sabay pa silang napatingin doon ng lalaking kasama niya.
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na ang butones na nalaglag na ‘yon ay galing sa damit niya. She was really frustrated and feeling hopeless na makakarating pa siya sa first day ng Fashion Week na ‘yon. Hindi niya alam kung bakit sunud-sunog na kamalasan ang nararanasan niya, parang gusto na tuloy niyang maniwala na hindi siya dapat pumunta ng Korea.
Pinulot naman ng lalaking kasama niya sa elevator ang dalawang butones na nalaglag sa damit niya. Pagtapos ay sumenyas ito sa kaniya na ang tinutukoy ay bukas ang damit niya sa likod.
“Kita ‘yong likod mo. Dapat kasi nagsuot ka ng cardigans or light sweaters, malamig pa rin sa labas kahit na spring ngayon.”
Oh, yes nang dahil sa kakamadali niya ay nakalimutan na nga niyang magsuot ng sweater. At gusto na sana niya itong talakan dahil alam naman niya ‘yon pero nagulat siya nang bigla nitong hubarin ang suot nitong black coat at walang sabi-sabing isinampay nito iyon sa ibabaw ng balikat niya.
Hindi niya alam kung bakit parang biglang huminto ang mundo niya, ‘yong tipong nag-slowmo ang lahat sa paningin niya at kasunod noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Lalo na nang maamoy niya ang mabangong pabango nito, tila mas lalo pa yatang nagwala ang puso niya.
“Ibalik mo na lang sa ‘kin kapag nagkita tayo ulit,” nakangiting tugon nito. Ni hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya dahil nang bumukas ang elevator ay agad na rin itong lumabas. At siya naman ay nakatulala pa rin sa kawalan.
Bumalik lang siya sa ulirat niya nang sumara na ulit ang elevator at nang mapansin niyang nasa ground floor na siya ay mabilis niya ulit pinundot ang open button saka nagmamadaling lumabas. Paglabas niya ay wala na roon ang binata. Hindi pa rin nababawasan ang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa naiwan ang amoy nito sa suot niyang black coat nito.
Sandali ay pilit niyang tinanggal ito sa utak niya at nagmamadali siyang tumabok papunta sa venue ng Fashion Week. Mabuti na lang at umabot siya dahil kung hindi nakakahiya talaga dahil para sa kaniya ay inire-represent din niya ang mga Filipino sa lugar na ‘yon, lalo na at Filipino rin ang pinakamalaking sponsor ng event na ‘yon.
Nang matapos na mai-introduce ang mga sponsors and jury for that day ay nagsimula nang mag-catwalk ang mga model sa harapan nila.
“Classic and creative first come to mind upon seeing Amy Anderson in this confectionary-colored delight unique gown. Amy's loose-fitting dress of polyester and cotton features topstitching, a new skill Amy learned from this. A contoured waistline is hidden by a self-belt button in the back, which completes the 'upbeat spirit' impression of this trendy outfit,” pag-introduce ng host na si Steve Marti sa unang model.
Habang naglalakad ang model sa gitna ay sabay-sabay rin ang kislapan ng mga camera sa paligid nila. Bukod kasi sa Jury ay mag-base din ang event na ‘yon sa bidding each outfit kung sino ang may pinakamataas na bid ay iyon ang mananalo.
Nasa kalagitnaan na ang event nang may makapa siyang fountain pen sa bulsa ng coat na suot niya. Wala sa loob na kinuha niya iyon at tiningnan.
Guiller Zevren Chavez— iyon ang pangalan na naka-imprenta sa fountain pen na hawak niya at mukhang hindi ‘yon mumurahin.