ANG TOTOO hindi naman kinakabahan si Xena sa competition, mas kinakabahan siya na makaharap ulit si Maliyah pagkatapos ng ilang buwan. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya o mararamdaman niya sa oras na makaharap na niya ang kapatid. Ngayon pa lang niya malalaman kung totoong naghilom na nga ang sakit ng ginawang panloloko nito at ng ex-fiancé niya. Kanina pa ongoing ang first round, at habang hindi pa sila nasasalang ay mas lalo yata siyang kinakabahan dahil aaminin niyang magaganda rin ang mga concept ng mga aspiring Fashion Designer. “And now let’s call for the next model… Rina Tevez,” wika ng host. Nasa pinakalikod silang dalawa ni Zev at mahigpit lang itong nakahawak sa kamay niya. At dahil hindi pa nga naipapakilala ang concept niya ay sigurado siyang hindi pa rin ala

