Typhoon: ILANG ARAW NA akong pabalik-balik sa mansion ng mga Montereal pero tanging si Collins lang ang nandoon. Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil wala akong contact sa mag-iina kong bigla na lang naglahong parang bula. Pakiramdam ko tuloy ay isang magandang panaginip lang ang biglaan nilang pagdating sa buhay ko, na biglang naglaho rin....pagkagising ko. Hindi ako mapakali dahil kahit anong pilit ko kay Collins ay wala itong masabing maayos na sagot sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na bumalik na ang mag-iina ko sa France. Kung saan magpapatuloy na sila ng buhay doon.. .na wala ako. Naluluha ako sa tuwing naaalala ko ang mga katagang binitawan ng mga anak ko. Kung gaano nila kadisgusto si Althea na pakasalan ko. At ang galit nila na nasasaktan ko ang ina nila. Para ak

