Typhoon: NAKATAMBAY KAMI SA checkpoint ni Kelvin kasama ang ibang team namin at masayang nagkukwentuhan nang may dalawang paslit na humahangos palapit sa kinaroroonan namin! "Sir! Sir! 'Yong miss po doon kinuha ng mga mama!" Hinihingal na saad ng mga ito at may itinuturo sa gawi ng park na katabi namin. Nagkatinginan kaming lahat at naalarma sa sumbong ng mga ito! Kaagad namang tumakbo doon ang ilan kasamahan ko kasama ang isang batang nagsumbong. Dinala naman namin ni Kelvin sa headquarters ang isa pang bata para makunan ng maayos na statement sa nakita. "Bu-Buddy...." Napalingon ako kay Kelvin sa pagtawag nito at sa tono ng boses nitong nanginginig. "Bakit?" Aniko at lumapit na sa table na kinaroroonan niya kasama ang bata na inilalarawan ang mukha ng babaeng na-kidnap na idino-

