25years later/Typhoon JR.: "CONGRATULATIONS CAPT. DEL MUNDO JR!!" NAPANGITI NA AKO sa masiglang pag-welcome at bati sa akin ng aming headquarters. "Salamat! Salamat!" isa-isa ang mga itong kinakamayan ako para sa pagkaka-promote ko bilang bago nilang Captain sa aming departamento. "Congrats Dos! You deserved it" napangiti akong yumakap sa girl bestfriend kong si Lieutenant Angelique Madrigal, pamangkin ng tita Cathleen ko. "Thanks Ange, regalo ko?" biro kong ikinangiwi nito. "Eto" saad nito sabay halik sa pisngi kong umani ng hiyawan at tuksuan sa amin ng mga kapwa naming pulis. Tatawatawa lang naman ito ng pamulaan ako sa paghalik nito sa akin in public. Sanay naman na kaming naglalambingan ni Ange. Mula pagkabata ay magkasanggang dikit kami kaya nga kahit sa kursong kinuha ko a

