Cathleen point of view: KABADO AKONG PALAKAD-LAKAD dito sa loob ng banyo matapos kong napatakbo dito. 'Di ko naman kasi alam na matutulog si Typhoon dito katabi kaming mga pamangkin ko. Alam kong ngayon ang dating nila kaya nga dito ako pinauwi ni Collins dahil walang sasalubong sa kambal at piniguradong hahanapin nila ang ina nila. Hindi ko pa sigurado kung magagawa kong magpanggap pansamantala na ina nila dahil hangga't maaari ay ayaw naming ipaalam sa mga bata ang nangyayari sa kambal naming si Catrione. Paglabas ko ng banyo ay nakahinga ako ng maluwag na nakaidlip na si Typhoon at bahagya pang nakaawang ang mga labi at mahinang humihilik. Halatang pagod din ito sa byahe at kanilang bakasyon gaya ng kambal. Maingat akong sumampa at iginitna ang kambal sa amin. Nakakatakam pa nama

