Catrione: NAPAPAHAGIKHIK NA LAMANG ako habang naliligo dahil nakabantay talaga si Typhoon sa labas ng pinto. Napabalikwas ako ng marinig itong umuungol kanina akala ko binabangungot na, 'yon pala napapanaginipan ako. 'Di ko mapigilang matawa at kiligin ng panay ang ungol nito sa pangalan ko na halatang nasasarapan sa kung anong milagrong ginagawa namin sa panaginip niya. TINAASAN KO ito ng kilay ng palabas na ako dahil kaagad itong humarang sa pinto. Pinaningkitan pa ako nito na tila pigil na pigil na sa akin. "Mommy" "Hmm?" "Mommy sige na, isa lang." 'Di ko mapigilang matawa dahil pulangpula na ang mukha nitong 'di makatingin sa mga mata ko. Napaka-cute niyang tignan na sa laki niyang tao ay nahihiya siya sa aking umungot na mapagbigyan. "Mommy! Daddy! Good morning!" Napahagalpa

