Typhoon: NALULUHA KONG KAYAKAP ang nahihimbing si Typhus. Wala pa rin siyang malay pero naibsan na ang pamumula ng balat ang ang mga pantal nito sa buong katawan. Awang-awa ako sa anak ko sa sinapit nito. Nanganib pa ang buhay habang nasa piling ko. Kung hindi lang naagapan ni Cloudy ang allergies niya ay maaari niya palang ikasama dahil hirap na siyang makahinga kanina. Kasalanan 'to ni Catrione eh! Alam niyang may allergy ang mga bata pero 'di manlang ako sinabihan. Mukhang plano niyang h'wag sabihin para mapahamak na naman ang mga anak ko at magiging kargo ng konsensya ko dahil nasa poder ko sila. Hindi na ako magtatakang wala lang sa kanya kung mapahamak ang mga anak ko, dahil nagawa nga niyang kitilin ng buhay ang panganay namin. Magagawa niya ulit 'yon ngayon. Nagngitngit ang mga

