Catrione: MAGKAKASAMA KAMING magkakapatid dito sa pampang na pinapaikutan ang ginawa naming bonfire kasama syempre ang mga mahal namin. Masayang-masaya kami ng asawa ko dahil ito ang unang beses nagkasama-sama kaming buong pamilya na magkakasundo. Habang sina mommy, daddy at tatay Moon ay nasa loob ng resthouse na kinakalaro ang mga makukulit na bata. " Kuya Typhoon, sigurado ka na ba? p'wede ka pang umatras." Pabiro kong naibato kay Collins ang sandal ko sa pagbibiro nito kay Typhoon sa kasalan namin bukas na umani ng tawanan sa lahat. Maging si Cloudy ay masaya na ring nakikipagkulitan sa amin at syempre.....katabi si Charrie habang si Collins ay pasimple namang umaakbay-akbay kay Rainy kaya nakukurot ito ni Rainy sa hita. "Wala akong planong takbuhan ang kasal ko bro, hindi katulad

