Experience Dahil yata sa pagod na araw na 'yon ay mabilis akong nakatulog, paghiga sa kama. Pero nang magising ako sa umaga, ang tagal ko pang tulala. What happened yesterday keep on replaying on my mind. That bastard dared to act normal? Paano niya ginawa 'yon na parang wala lang nangyari? Gets ko pa kahit papaano kung gano'n siya kapag nandiyan parents ko. Siyempre magpapaka-plastic 'yon. Pero kahit no'ng kami na lang dalawa? Ang kapal ng mukha niya. Napailing ako at tumayo na para mag-asikaso ng sarili. Siguro naman ay may stocks sa kusina kaya makapagluluto ako ng breakfast ko. Akin lang, 'di kasama sa kaniya. Magluto siya ng para sa kaniya, wala akong pake. Suot ang simpleng spaghetti strap top at maong shorts, lumabas ako ng kwarto. Napasuklay ako sa buhok gamit ang daliri nan

