Brave Nagising ako nang may nagbubuhat sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mata at agad kong naramdaman ang pagkahilo. My body feels weak, too. Ano ba ang nangyari? I shut my eyes tightly but it opened widely when I remembered what happened. Lumabas ako ng campus at naghintay ng taxi. Tapos kinuha ako ng mga nasa itim na van. "L-let me go!" I shouted and hit the person carrying me. Ang mukha ko ay nasa likod niya dahil buhat ako na parang sako. Pinaghahampas ko ang likod niya at ginalaw-galaw ang mga paa. "Pakawalan mo 'ko!" Mariin na hinawakan ang mga paa ko para hindi na ako makagalaw. Then he slapped my butt. Kasunod noon ay ang tawanan ng mga lalake. "Bastos!" sigaw ko. "Huwag na huwag daw saktan 'yan, sabi ni Boss," dinig kong sabi ng isa. "Who's your f*****g boss? Bakit

