Prologue

1481 Words
"Did you post it? Did you tag me?" I asked. I leaned my back on the swivel chair. I felt relaxed seeing the busy city. Tanaw na tanaw ko ang naglalakihang skycrapers mula rito. "Yes. Kagabi pa. Like what you requested," she answered with her very feminine voice. My smirk grew wider. "Zeus, ayos lang ba 'yon? I mean, you have a wife. Baka magkaroon ng issue—" "Don't worry. Mas magandang may issue. This is the only way for me to be noticed. Hopefully..." Binaba ko na ang tawag namin ng isa sa kaibigan kong babae. Napangisi ako at tinignan ang screen ng phone. I waited for her call or message. Pero walang pumasok. Maybe she's still asleep or she didn't open her f*******: account yet. I calmed myself. Pinagmasdan ko na lang ang tanawin mula rito. Madilim ang kalangitan, siguro ay uulan. I blinked when a lightning struck on the dark sky. Nagbigay iyon nang saglit na tila nakabubulag na liwanag. Kasunod ay ang malakas na dagundong ng kulog. I sighed and glanced at my phone again. Ano pa ba ang mga gagawin ko para maagaw ko ang pansin niya? I pressed my intercom and called Annalyn, one of my secretaries. Ilang segundo matapos ng pagtawag ko ay narinig ko ang pagpasok niya. "Sir?" "What's my schedule for today?" "U-uh, you have a meeting with Mr. Kristof Ambrosio—" Napataas ako ng kilay. That is her uncle. Pinsan ng ama niya. Napangisi ako. "Call Lian. Tell her that she's invited here in my office," mariin kong utos. "H-huh? Sir, akala ko po ba, banned na siya kasi stalker—" I turned my swivel chair to face her. I just smirked. "Just call her. And once she arrive, let her in. Tapos saka mo tawagan si Juno at sabihin mo na kanina pa si Lian dito at maaabutan kami ng Tito Kristof niya." Annalyn's eyes widened. Namutla siya at ilang beses napakurap. Nakatitig sa akin na tila nagtatanong kung nababaliw na ba ako. Baka nga. "Sir, are you sure?" kabado na tanong niya. Takot din sa asawa ko 'to. I smirked again. "I am f*****g sure. Go and be quick." Halos patakbo siyang lumabas ng office ko. Lalo akong na-relax. Pero nang maisip ang mangyayari ay nakaramdam naman ako ng excitement. I am this desperate to get my snob wife's attention. Hindi pa lumilipas ang isang oras ay may pumasok na. It's Lian with her usual skimpy dress. She's my stalker and admirer. Matagal ko na siyang pinatigil sa mga pinaggagawa niya dahil istorbo at perwisyo. But today, she will be useful. "Zeus!" she giggled and ran towards me. Nabura ang ngisi ko at inangat ang kamay para pigilan siya sa paglapit. Bahagyang napawi ang ngiti niya ngunit sumunod naman siya. Itinuro ko ang upuan sa harap ng table ko. "Sit and behave," I gently said. Agad siyang sumunod at tumango. I glanced at her and she's staring at me intently. Napangisi ako sa mga naiisip ko na mangyayari. "Pinatawag mo 'ko? Why?" she sweetly asked. "Hmm, nothing. Just sit there." Maagap siyang tumango. Wala nga siguro akong konsensya dahil gumagamit pa ako ng tao. Desperado nga talaga ako. She tried to open a topic between us. Pero hindi ako sumasagot. I am anticipating for something. After one hour and few minutes, I heard Annalyn's voice from the intercom. "Sir, sabi ni guard pumasok na po siya," aniya. "Let her in immediately," I uttered. Umayos ako ng upo. Inayos ko ang suot ko at pinasadahan ang buhok. I made sure that I look fine, just for her. "Sino ang darating, Zeus?" litong tanong ni Lian. I just smirked. Don't worry, she's harmless and very kind. Halos matawa ako sa naisip. Sumandal ako sa kinauupuan at hinaplos ang labi habang nakatitig sa pinto ng aking office. Here is my dragon wife... Bumukas ang pinto at pumasok siya. Tila manika na naglakad siya papasok. With her perfect and elegant posture, she confidently walked-in. Agad kaming nagkatitigan. Her dark eyes are cold as usual. Mariin itong nakatitig na akala mo ay hinuhusgahan ka niya. Her thin red lips are on grimline. Taas-noo siya katulad ng lagi at hindi ko mapigilan na ngisihan siya. Nakagat ko ang labi nang irapan niya ako. Ang taray naman ng reyna. Napasulyap siya kay Lian. I noticed how her jaw moved as she grit her teeth. Wala pa man siyang pinapakita na emosyon ay halos lumubog na sa upuan ang bisita ko. I am sorry, Lian. My wife can intimidate anyone with her simple stare. "Your time is up. Leave," she uttered with her cold voice. Agad na tumayo ang bisita ko. Napabuntong-hininga ako at napailing-iling. Nakalilibang talaga ang ganitong senaryo. Nang nasa harap na niya si Lian ay tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Kahit simple iyon ay alam kong nakaiinsulto ang dating. Nagkandarapa ang babae na lumabas ng office ko. Halos matawa ako. She really looks like a villain on fairytales. A very beautiful villain. Mabagal siyang umiling na tila disappointed. Napaayos ako ng upo nang ako ang tinutukan niya. I cleared my throat and smirked at her. Kumunot ang noo niya at napansin ko ang kuyom niyang kamao. "Wow! Are you jealous, my queen?" I playfully asked. Naglakad siya palapit sa akin. I can't stop myself from checking her out. She's wearing a simple white dress with her gold jewelry. The dress accented her perfect curves. She's sophisticated as ever and she looks like a goddess, walking towards me, to judge me. "You're proud about your cheating, huh? Pinasabi mo pa sa sekretarya mo," she said and I sensed the sarcasm on her voice. I clasped my hand and put it on the top of my table. I stared at her intently. She's hard to read because she's always sporting her famous resting b***h face. Kung hindi lang namumula ang pisngi niya at banda sa dibdib, maiisip ko na wala talaga siyang pakialam sa naabutan niya ngayon. "That's not cheating! Nag-uusap lang kami about sa busine—" "Liar. I also saw your pictures with the girls on the event last night. Mga type mo, 'di ba?" Oh! She saw it! I chuckled and can't help but to eye her amusedly. Bahagyang nagpakita ang emosyon sa kaniyang mukha matapos sabihin iyon. Para naman akong nanalo sa lotto. "Damn it, you're jealous," saad ko at hindi napigilan na sumaya. "I said I am not," tanggi niya. Hmm? "Uh-huh. Bakit ka pumunta rito?" pang-aasar ko. Ngunit napawi ang ngisi ko nang yumuko siya at inilagay ang mga palad sa ibabaw ng aking mesa. Halos uminit ang ulo ko nang ngayon lang mapagtanto ang hitsura sa suot niya. She just crouched a bit and now, her generous cleavage is exposed! "Sino ang mga nakausap mo sa baba, Juno?" "Wala kang pake. Kaya ako narito para paalalahanan ka sa mga pambababae mo. Please, magtago naman kayo kahit papaano!" pikon niyang saad. I licked my lips and supressed my grin. I can clearly remember that tone. Kabisado ko 'yan. I leaned closer to her. She blinked and almost lost her cold facade. Bahagya siyang umatras kaya marahan ko na hinawakan ang braso niya. "You're still that young Juno. Can't sort out her feelings for me..." I whispered gently. "What?" iritado niyang saad. Ah, the dense Juno. I smirked. Napatayo siya nang tuwid at napangisi ako nang makita na namumula na lalo ang pisngi niya. "Hmm, my Juno Medalyana..." my in denial queen. "I am not yours, Zeus. Hindi ako isa sa mga babae mo." "Meron ba ako no'n?" I asked and chuckled. Umatras siya. Napailing ako at tumayo. Lagi niyang bintang iyan sa akin. She's always mad about it but I can't take it seriously. "Uuwi na ako. Huwag mo ipakita sa pamilya ko ang mga babae mo. Kahit sa media!" Nilapitan ko siya. Kabado niya akong tiningala pero pilit niya iyon tinatago sa pagmamaldita niya. She tried to push me like the usual but I stopped her. Hinuli ko ang mga palapulsuhan niya at idiniin sa dibdib ko. Her luscious lips parted. She is trying to hide her true emotion but I can see it on her eyes. Gaano man ako kasaya sa nakikita ngunit ayoko pa rin na makaramdam siya ng negatibo. Nababaliw na nga ako at masyadong magulo! "What do you want?" I gently said. She gritted her teeth and glared at me. "Stop being a babaero!" she shouted. "Stop being a snob, then, Juno. Pansinin mo ako," halos pagmamakaawa ko. She stiffened and eyed me with her shock eyes. I stared at her intently with my pleading eyes. Kumurap siya at muling naging matigas ang ekspresyon. And I know, I failed again. Nanghina ako lalo na nang galit niya akong itinulak at tinalikuran. I sighed and watched her walked-out from my office. When will you give me your precious attention, Juno Medalyana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD