Sorry Sobra-sobra ang nararamdaman kong galit sa kaniya. I really hate him. He is so bad. Dapat hindi niya naman ginawa ang gano'n, na magtatapon ng pagkain. Maraming nagugutom sa mundo and the least thing we can do is to appreciate the fact that we have foods. Dapat ipinamigay niya na lang o ibinalik sa akin. That is what Hera told me. Na 'yong pangatlo pa lang ang ibinigay ko ay gusto ng itapon ni Zeus pero pinigilan lang niya. That jerk! "Grabe, puting-puti ang uniform ni Zeus tapos namantsahan!" saad ni Nathalie. I just glared at the air as we walk towards our classroom. "Mawawala 'yon pero 'yong pinaramdam niya sa akin, hindi na." I get it. May kasalanan ako sa kaniya. At siyempre, hindi sapat ang sorry para do'n. Alam ko 'yon dahil kahit ako, hindi makukuntento sa salita na

