Failed I really feel guilty and I don't know why! Nang dumating si Hera ay hindi na siya umimik hanggang sa dumating sundo ko. Which is so unlikely of him. Lagi ako no'n inaasar at iniinis. Ano ba ang kasalanan ko? I didn't sleep well because I can't stop thinking about it. Wala naman akong nagawang mali sa kaniya. At ano ba ang pakialam ko kung galit siya? Why am I even affected? Maagang-maaga akong nagising kinabukasan. Eight ang class ko pero five pa lang ay gising na ako. Bumaba ako at nabigla ang mga maid nang makita ako. Lugong-lugo ako na nangalumbaba sa dining table. Puyat na nga ako, ang aga ko pa nagising. "Magandang umaga, Señorita. Ipaghahanda ko na po-" "No. Mamaya na. Tulungan mo na lang ako," pagpigil ko sa isa sa maid doon. Her eyes widened a bit. Tumayo ako at hin

