Mabilis naman akong nakapag adjust at Hindi naman ako nahirapan sa bago kong trabaho,.. As a matter of fact.. Nag eenjoy pa nga ako dahil napakabait nang mga ka officemates ko na kaagad ko namang nakapalagayan nang loob, karamihan sa mga ka Trabaho ko ay babae at kung may mga lalaki man ay sa mismong food chain sila nagtatrabaho bilang crew doon. Isa sa may ari nang kumpanyang pinagtatrabahuan ko ay si Jenella na collage close friend ko na siyang nagpasok sa akin sa dito, may boyfriend ito at nakatakda nang ikasal this coming month. Gaya din ng ipinangako ko kina Mommy ay pumapasyal parin ako sa Mansiyon gamit ang Toyota innova na binili ni Kuya sa akin. Sa loob nang limang buwan na pagtatrabaho ko sa Maynila ay pitong beses na akong nakadalaw sa kanila,ilang beses narin nakadalaw si Ku

