DONDIE'S POV "Dondieee!!!!!!!" Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagtakbo nang Marinig kong tumawag ang aking asawa buhat sa aming kwarto. "A-anong nangyari sayo Beb?" Kinakabahan kong tanong. "Nagugutom ako.." Ungot nito. Sus!nagugtom lang pala, akala ko kung ano na naginhawaang usal ko sa isipan ko. "Anong gusto mong kainin Beb?" "Gusto kong Kumain ng fried palaka.." Napanganga ako at mumuntik ng mahulog sa aking kinauupuan ng malaman ko ang nais nitong kainin. Seryoso? Palaka talaga? Bakit ba puro exotic food ang gusto ng babaeng to! "B-beb naman eh.. Huwag kana ngang magbiro, kelan kapa kumain ng palaka?" "Eh sa yun ang gusto kong kainin eh, naglalaway ako nang maalala ko ang palaka.. " "Baka naman magpapaluto ka tapos hindi mo naman kakainin pag naluto, ako a

