Gusto ni Daddy na sa UST ako mag aral ng college pagka graduate ko ng high school dahil dito din siya nakapagtapos ng college pero mariin na tinanggihan ko,
"Dito na lang ako sa UPLB dad, mas malapit para Hindi na ako mangupahan pa ng dorm, at least andiyan si Gara para tulungan ako sa mga homework ko."
"Hayan ka nanaman,aasa ka nanaman sa little sister mo." Usal naman nito.
"Hindi naman sa ganun na umaasa Dad, ayoko lang na mapalayo sa inyo, kasi diba nga binabantayan ko si Gara sa mga bubuyog na umaaligid sa kanya."
Sa huli ay napapayag ko rin siya sa kagustuhan ko na manatili dito sa bayan namin at dito makapag aral, kumuha ako ng kursong business management dahil darating ang araw ay ako din naman ang mamamalakad sa mga negosyo ni Dad, at the same time nag aral din ako ng fine arts. Kung Hindi niyo naitatanong ay bukod sa varsity player ako ay hilig ko rin ang magpinta,kaya kahit pagod ay pinagsabay ko ang dalawang Kurso,sa umaga ay management at sa gabi naman ay fine arts.
"Kuya Hindi kaya mabaliw ka dahil sa mga kursong kinuha mo? At dalawa pa talaga ha? Kaya mong pagsabayin as in huh.." Wika ni Gara habang nasa veranda kami at nagmemeryenda.
"Bakit Hindi? Ako pa? He he.. Saka andiyan ka naman para tulungan ako diba?"nagpapacute na turan ko sa kanya ngunit sinimangutan lang niya ako.
Natatawang inakbayan ko siya. " ikaw para akong others sayo ha, remember, Hindi ako pumapalya na pasalubungan ka ng favorite mong pizza saka ipang take out sa Mc do..take note!! Pag may gusto kang bilhin at kulang ang budget mo,ako ang umaabono non, and mostly... Kapag may lalaking nagpapalipad hangin sayo na Hindi mo type,, sinong humaharap na boyfriend mo?? Hindi ba ako?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"So you mean to say,kailangan Kong bayaran ang mga pagkakautang ko sayo ganon? Naniningil ka like that??"
"Not so like that.. Pinapaalala ko lang lahat ng good things na nagawa ko sayo.. "
Napangiti nalang siya. "Kunsabagay"
Ngumisi ako saka pinindot ang tungki ng Ilong niya. "That's my girl. Give and take lang naman dapat."
GARA'S POV.
So ayun,habang nag aaral si kuya Dondie sa college ay ako din naman ay todo suporta sa mga kursong kinuha niya, tinutulungan ko siya whenever he need help, after I graduated in high school,I decided na mag enroll na rin sa university na pinapasukan niya at kumuha na rin ng kursong management para ako ang makakatulong sa mga negosyong hahawakan niya someday. Matalino naman talaga si Kuya Dondie actually, minsan lang ay sinusumpong ng katamaran at hindi din maiwasan na ipagsabay niya ang pag aaral at pagchi chicks hunting, Sa tagal na nang pinagsama namin ni Kuya ay Hindi kona mabilang pa sa mga daliri ko sa paa at kamay ang mga sangkaterbang babae niya na nakilala kona, ang iba naman ay hinihaharap niya Kay Daddy David at mommy at nagpapakita naman ng paggalang ang mga ito ngunit sadya nga lang talagang wala siyang sineryoso ni isa sa mga iyon at siya na mismo ang kumakalas kapag nagsawa na siya. Ilan na rin ang lumapit sa akin at umiiyak na nakikiusap para pakiusapan si Kuya Dondie na balikan sila.
Bagaman naiirita ay nakakaramdam naman ako ng habag dahil kapwa ko sila babae ngunit madalas ay Kay kuya Dondie ko ibinubunton ang galit ko.
" Utang na loob kuya Dondie, tigilan mona ang pambabae mo! Emeged pati ako nadadamay sa mga kalokohan mo eh." reklamo ko sa kanya ng minsan ay makapagkwentuhan kaming dalawa.
Ngumisi lang ang loko.
"Matagal ko nang tinigil kaya, but what should I do? Eh sa chick boy ako eh,"
Ang yabang! Eh kung sapukin ko kaya ang mokong na to nang matigil ang kayabangan niya. Grrrrr!!!
"My goodness kuya!! Look at me!! Pati ako na stress dahil sa kakatawag ng mga Babae mo, haggard na ang maladiyosang katawang lupa ko.. "
"Tumigil ka nga, mala diyosa ka diyan, naghahalucinate kana yata eh."
Tinitigan ko siya ng matalim.
"Baket? Totoo naman ah! Diyosa ako,diwata.." Pupungay pungay ang mga matang humarap ako sa kanya sabay nagpabebe wave.
"Diba ang ganda ko? Palibhasa kasi ikaw,exotic na ganda ang gusto mo.." nginusuan ko sya sabay inarapan.
"You mean?" Umarko ang isa niyang kilay.
"Ay akala ko matalino ka,Hindi mo gets kuya? Okay I'm gonna explain.. Exotic beauty means, makakita kalang ng babaeng naka palda o kaya mini skirt na litaw ang panty pag yumuyuko at kita ang cleavage nang naguumpugang Mt.everest kaagad monang liligawan nang walang pake kahit itsurang clown pa sila Dahil sa sobrang kapal ng make up!"
"Ahhh..ganon ha!! Teka Nga.." Isang malaking unan ang inihampas niya sa aking mukha at humahalakhak na humarap sa akin.
"Waahhhhh!!! Kuyaaaaaa!!!!!!!"
Kahit na anong inis ko kay Kuya Dahil sa pagkababaero niya ay wala naman akong magagawa sapagkat nature na niya iyon. Surely ay magsasawa din siya at kusa na siyang magseseryoso pag talagang gusto na niya.
After Kuya Dondie Graduated in collage kumuha siya ng master of business administration but then nag umpisa na rin niyang hawakan ang isa sa pinakamalaking business nila na Falcon Toys and Furniture manufacturer and exporter.
Pagkagraduate ko nang collage ay kaagad na rin akong sumalang sa negosyo at doon na rin nagtrabaho na pinagtulungan naming dalawa. Everything was going smooth, Mas lalong dumami ang mga shares ng kumpanya,kabi kabilang clients and deals, mas lalong lumaki ang ineexport namin. Kuya Dondie was very good when it comes in business strategy, lumago ang kumpanya dahil sa pagtutulungan naming dalawa. Everything was very perfect and fine.. Till I met the guy named Marco. Isa siyang trainee na pamangkin ng isa sa mga supervisors ng kumpanya, gwapo, matangkad, macho at sobrang bait, sa Ikli ng panahon ng pagkakakilala namin ay napalagay na ang loob ko sa kanya kakuwentuhan lagi,kung Hindi man ay katext at halos siya na ang kasama ko araw araw na Hindi nalingid Kay kuya Dondie.
"Mag usap nga tayo Gara." Sabi ni kuya nang magkasalubong Kami sa Hallway. Madalang nalang kasi kami mag usap ngayon dahil bukod sa mga international business meeting niya ay malimit nalang itong umuwi sa bahay, madalas naman ay nagkakasalisihan kami ng schedule.
"Ano yun kuya? " takang tanong ko Dahil iba ang kilos nito Ngayon,seryoso ang kanyang mukha at ni wala man lang kangiti ngiti Hindi kagaya nang dati na makita pa lang ako ay halos mapunit na ang labi niya sa lapad ng pagkakangiti niya sabay takbong yayakap sa akin.
"Let's talk privately, sumunod ka sa akin sa conference room."
Sumunod naman ako sa kanya, umupo siya sa kanyang pwestong inuupuan lagi kapag may meeting at ako naman ay naupo sa harapan niya na nag umpisa nang lukuban ng kaba sa dibdib.
"Napakasecret naman nang usapan natin kuya? May suspense talaga ha.." Biro ko.
Na ikinalukot naman ng mukha niya at matalim na tumitig sa akin,terror boss kung baga.
"Its not the time to make a joke Gara."
"S-sorry kuya." I apologized.
"I have some question and I want you to answer me clearly.."
Ugh! Ano to? Hotseat?? Kakaloka ha..
"Awkei boss!" Wika ko.
He looked up at me eye to eye, ang weird talaga ni Kuya..
"Who is Marco in your life?"
Nauntag ako sa tinanong niya, no joke.. Eto lang ang itatanong niya sa akin? Nanginig ang kalamnan ko na pinagpawisan ng malapot tapos eto lang? Ugh! I thought it was kinda important about the company ang pag uusapan namin.
"Why are you asking? Akala ko anong importanteng pag uusapan natin eto lang pala.. My gosh kuya, pinakaba mo ako hah."
"Answer me." Seryoso pa rin ito.
"He's just a friend.. Bakit ba? Don't tell me..nagseselos ka sa kanya?" Kunwari ay nashock ako na nanlaki ang mga mata tapos ay maarteng tinakpan ang aking bibig. " Ow em geee!! Kuya?? You have secret feelings for me??? Oh nooo!!! Its immorality Kuya!! Don't meee!!!"
Habang todo OA ako sa pag eemote ay isang malakas na batok ang iginawad niya sa akin.
"Aray! Ang hard mo kuya ha! Sakett huhu.." Reklamo ko habang haplos ang batok ko.
"Seryoso akong nagtatanong kaya tigilan mo yang kabaliwan mo,saka huwag ka ngang masyadong Ambisyosa! Hindi ka papasa sa taste ko..feeler! Lahat yata ng nakakaturn off sa babae nasayo na, masiba sa pagkain, wagas kung makatawa, amasona, maputak, what else more.. Hmm! Wait..." Hinaplos nito ang baba niya saka kunwaring nag isip.
Inirapan ko siya.
"Wow huh! Nakakahiya naman sa standards mo Mr.Dondie Falcon, ikaw na, ikaw na ang Perfect.. Duuhhh!! Gwapo mo brad tsssss!!! "
"Talaga!!! Ngumisi ito.
"Eewww yucckkk!! Excuse me..nasusuka ako eww as in.."
"Magtigil ka na nga! Iniiba mo usapan eh.. Basta I warn you. Make sure na hanggang magkaibigan lang kayo nang Marco na yan,never ever kayong lalampas sa limitations.."
Napataas ako ng kilay sa tinuran niya. Eh pakelam ba niya kung magkalovelife ako?
"Bakit ba? What if we developed our feelings with each other? May magagawa ka?"
Sa sinabi kong iyon ay biglang dumilim ang kanyang mukhang tumitig sa akin.
"Gara, you know our rules in this company, bawal ang magkarelasyon sa co employee or officemate, at kahit anak kapa nang may ari at kapatid kita,I won't allow you to break the rules Is that clear?"
Kunwari ay nagdabog ako at nagpapadyak sa aking kinauupuan.
"But Kuya exe------"
"Grace.. Is that clear?? Say yes!!!!" Tumaas na ang boses nito kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon na lang.
"Oo na,clear na kung clear." Wala sa loob na sabi ko.
"Good, now go back to your work..I have to go" Pagkasabi niyang iyon ay kaagad na siyang lumabas habang ako ay bubulong bulong na naiwan sa conference room,
Haayy!! Bwiset!! Nakakainis ka kuya! Kung kelan may nagugustuhan na akong guy saka kapa kokontra!! Kakaloka kasing rules ng company na to!! Grrrrr!! Bwissetttt!!!