Lumipas ang limang buwan,nagpatuloy hanggang sa lumalim ang pagkakaibigan nina Gara at Marco,nagpatuloy din ang weird feelings ko na to na pilit ko lang iniignore,hanggang sa Napapadalas na ang pagdalaw ni Marco sa Bahay na may Dalang bulaklak at chocolates na minsan at natyempuhan kong kami lang dalawa ang nasa living room.
"Marco," lumapit ako sa kanya, habang siya naman ay kinabakasan ko ng nerbiyos at pagkataranta Saka siya napatayo sa kanyang kinauupuan.
"Magandang araw ho Sir Dondie." Bati nito na halatang pilit ang pagngiti.
Ngumiti ako. "Don't be formal, wala tayo sa kumpanya,don't call me Sir."
"O-ok Dondie,"
"Well Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa..I wanna talk to you." Umupo ako sa tabi niya saka muna tumikhim.
"I wanna ask you, what's the real score between you and my little Sis.. Kayo naba?"
"Ah S-sir..k-kase po.."
Tinapik ko siya sa balikat. "Hey c'mon,don't be nervous.. I'm just asking you, besides Hindi naman ako kumakain ng tao para mautal ka nang ganyan."
" Sir,"
"I said were not on the company.. Call me Dondie.. Anyways, continue your talk." Wika ko.
"Pasensiya na Dondie, pero aaminin ko, I was courting Grace …and I love her, I love her morethan everything.. And I know about the rules of your company, but still I won't back out courting her.. Infact I am willing to give up my position in your company and find another job but I won't never ever give up my love for grace.. Mahal ko siya Sir Dondie.. Sobrang mahal, at patawad dahil lumampas kami sa Limitations.. Whatever it might takes paglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya."
Tinignan ko siya sa Mata.And one thing I was sure.. He is sincerely loving Grace, no doubt.. I saw in his eyes while saying those words the sincerity. At ako, sino naman ako para pigilan sila sa kanilang nararamdaman? I was just his boss.. And honestly, masakit sa puso ang marinig ang mga salitang iyon,but it was Grace's Happiness.. At kung saan siya maligaya,susuportahan ko rin siya tulad nang kung paano niya ako sinuportahan noon.
"Hmm okay.. Goodluck for both of you.."
GARA'S POV.
"Hey kuya Dondie!!!" Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya pagkapasok niya sa kanyang opisina na talagang sinadya Kong hintayin siya.
"Woopss!" Muntik na kaming mabuwal dahil sa napasobra yata ang impact ng pagyakap ko sa kanya. "Anong meron bakit sobrang happy yata nang little sis ko?" Ngumiti siya saka ginulo gulo ang aking buhok habang yakap parin ako.
"I'm happy because of you.. Thank you Kuya!!!" Isang halik ang iginawad ko sa kanya at dahil sa mas matangkad siya sa akin ay tanging sa baba lang niya ang nakaya kong halikan.
"Thank you Saan?" Ngumiti ito,at kagaya pa rin nang dati mas lalong lumilitaw ang kagwapuhan nito pag ngumingiti siya na litaw ang kanyang dimple.
"Thank you kasi.. Binawi mo yung rules sa company.. At big thank you because you supporting me.. Super thank you talaga kuya!!! That's why I love you ehh., your the best kuya ever!!!!"
"Haha..mang uto kapa talaga huh? Well.. Sabihin nalang natin na Hindi kita matitiis dahil takot ako pag nagtatantrums ka kapag Hindi nasusunod ang gusto mo."
Ngumuso ako.
"Hmp! Ganon? Grabe ka hah!"
Bumulanghit ito nang tawa saka ako kinurot sa pisngi. " ang cute talaga nang little sister ko.. Hmmmmm"
"Tagal na kuya he he" saka kami nagtawanang dalawa.
It was my 24th birthday celebration nang sagutin ko si Marco.. That was the best birthday gift ever na narecieve ko sa buong buhay ko at lalo na nang maging memorable ang naging pagsagot ko sa kanya.
" Ladies and gentlemen.. May I have your attention please." Wika ni Marco habang hawak ang microphone na siyang ikinatahimik naman ng mga bisitang naroroon.
Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin siya sa akin,nakatayo kaming dalawa sa gitna at katatapos lang naming sumayaw that time.
"Pasensiya na po sa inyong lahat kung naistorbo ko ang pag eenjoy niyo but I want this night be memorable especially it was the big day of the girl whom I love the most.."
Speechless ako that time dahil hindi ko expected ang ginagawa ni Marco while the guest was just listening at yung iba naman ay sumisigaw na halatang kinikilig.
"I just wanna ask to birthday Girl.. " habang malamlam siyang nakatitig sa aking mga mata ay bigla itong lumuhod sa aking harapan.
"Ms. Mary Grace De Silva.. I am asking you.. Would you be my girlfriend?"
Isang malakas na sigawan ang dumagundong sa buong paligid kasabay nang pagtulo nang aking mga Luha.
"Yes, I will be your girlfriend Marco.."
Napamaang siya pagkatapos ay bigla akong niyakap.
Isang buwan ang lumipas nang sagutin ko siya,sumunod nito ay hindi narin niya pinatagal ang marriage proposal.
"Bakit ang bilis naman yata Marco?" Sabi ko nang makahuma sa kabiglaan.
"Para sure nang akin kana talaga at wala nang makakaagaw pa sayo na iba." Tugon nito na nakangiti. "Ano? Payag ka? Would you be my wife? Will you marry me?"
Saglit akong nag isip, well Mahal ko naman siya kaya bakit patatagalin kopa.. " Yes.. I will Marry you?"
Dahil sa sobrang kaligayahan ay nagsisigaw ito sabay buhat sa akin.
After Marco's Proposal ay kaagad akong umuwi sa Bahay para magluto nang dinner. Tinawagan kona si Kuya Dondie na umuwi na after his business meeting. gusto ko kasing mag celebrate at ibalita sa kanila ang tungkol sa wedding preparations namin ni Marco.
"What???? Your engage with him??" Halos lumuwa ang mga mata ni Kuya Dondie pagkatapos malaman ang lahat.
"Oh bakit ba gulat ka hijo? Hindi ba dapat maging happy ka sa Kapatid mo because at last she already find her happiness." Sabad ni Daddy David.
"O-ofcoarse I'm happy Dad.,but, hindi ba kelan palang naging sila, isn't its tol early for them to settle down??" Tugon nito saka tumingin sa akin. " Hindi kaya nabigla ka lang Gara? Ang bilis yata?"
" kuya, doon din naman ang punta namin eh bakit pa namin patatagalin? Besides mahal ko nam-----"
"Yeah I know you love that Man so much." Putol nito sa iba ko pang sasabihin.
Awtomatikong kumunot ang noo KO dahil tila garalgal ang boses nito na parang nasasaktan ang tono.
"But what if may nakatago palang ugali yang Marco na yan at in the end ay iwanan ka lang niya,wala pa kayong isang taon, hindi mo pa talaga alam ang buong pagkatao nya." Patuloy nito.
Realization dawned on me. Pinoprotektahan lang ako ni Kuya kaya nito nasabi ang mga bagay na yon but I knew to myself, I was sure on my desicions kaya papakasalan ko si Marco weather he want or not.
DONDIE'S POV.
I felt bitter taste on my mouth katulad nang pagkabitter nang nararamdaman ko. Bakit ba sobrang sakit na malaman ang katotohanan na magpapakasal na si Grace kay Marco? Isn't dapat ay maging happy ako dahil finally ay magkakapamilya na siya na siya naman talagang pangarap niya? Its one of a woman's dream.. But F*ck! Habang tumatagal ay lalo akong pinapatay nang selos ko! I don't know how long I should pretend that I am just okay, that I am happy because Grace is happy on her love life!! Ano ba.. Gusto kong tumutol sa pagpapakasal nila but who am I to ruin her happiness?
Ahhhhh!!! Isang malakas na suntok sa kama ang ginawa ko para mawala ang inis at iritasyon na Nararamdaman ko.,
f*ck! Umayos ka Dondie!! Umayos ka!!!!
Hindi mayaman ang pamilya ni Marco kaya hindi nagdemand nang engrandeng kasal si Gara at isang simpleng wedding lang ang naganap, ako ang naging best man nila while the younger sister of Marco is the Maid of honor.
Isang two storey bungalow type na bahay ang iniregalo ni mommy Mary sa kanila, si daddy naman ay all expense honeymoon in Paris ang gift while me ay isang Puting Honda Car ang gift na binigay ko na siyang ipinangako ko talaga. Two weeks after their honeymoon ay dumiretso na sila sa bahay na niregalo ni Mommy Mary sa kanila at doon na permanenteng maninirahan si Gara.