Hindi nakaligtas ang dinadala ni Gara. Ayon sa doctor na humawak at nagpa anak sa kanya patay na daw ang baby nang mailabas ito mula sa kanyang sinapupunan dahil sa umakyat na ang infection sa kanyang utak at iba't ibang komplikasyon narin.Nagkaroon daw nang tubig sa baga ang baby at may butas ang kanyang puso kaya kahit mabuhay din daw ito ay Hindi rin ito magtatagal at tanging pitong taon lang ang taning niya na siya ay mabubuhay sapagkat Hindi nito makakayanan ang sakit nito dala nang butas nito sa kanyang puso kasama pa ang iregular na pagtibok nito. Walang ibang nagawa si Gara kundi ang umiyak nang umiyak. Pinipilit ko ring pigilin ang aking emosyon upang hindi mapaiyak nang mga Sandaling iyon. Wala nalang akong nagawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit at hagud hagurin ang likod

