DONDIE'S POV. Simula nang magbuntis si Gara ay halos oras oras ko siya kung tawagan para masigurong maayos siya pati ang batang dinadala niya. Palagi ko ring pinapaalala sa kanya na huwag niyang kaliligtaang inumin ang kanyang mga gamot at vitamins,pinag file ko na rin siya nang maternity leave para sa ikapapanatag nang aking kalooban na walang mangyaring masama sa kanya at ang baby namin. Tuwing sabado nang hapon ay dumadalaw ako sa condo niya. Sa bawat pagdalaw ko sa kanya ay may dala akong kung anu anong pasalubong kasama na ang mga prutas at chocolates, doon na rin ako natutulog kaya kinabukasan na nang hapon kung umuwi ako. Weekly ay sinasamahan ko rin siyang magpacheck up.Hanggat maari ay ayoko siyang mapagod o magkikilos kilos kaya ako na rin ang nagluluto nang pagkain niya at ku

