Chapter 39: Ace

1517 Words
"Bamby!.." sa gitna ng kasiyahan ko sa binabasa. Biglang kumatok si Kuya Mark. Tinupi ko ng napakaayos ang papel saka inipit sa loob ng aking unan. Bumaba ako ng kama ng nakapaa saka sya pinagbuksan. "Sulat.." sabay abot nya ng isang envelope na kulay pink. Taka ko itong inabot. Binuksan ko ng maluwag ang pintuan upang makalabas ng tuluyan. Nakauniporme pa sya. Halatang kagagaling ng school. "Kanino raw galing?.." tanong ko habang sinisipat bawat anggulo nito. Hindi sya pangkaraniwan na envelope. Makinis sya. Stationary ang papel na gamit. Parang hinulma ito ng may-ari. Nakakabilib. At take note. Mabangong mabango. Nakakahiya sa amoy ko. "Hindi ko alam. Basta nalang iniabot sakin ni Aron yan kanina. Ang sabi nya, may nagpapabigay raw sa'yo." Sino naman?.. Kumunot ang noo kong maayos ang itsura kanina. "Di mo tinanong kung sinong nagbigay sa kanya?.." "Hindi na. May nirurush kaming presentation kanina kaya di ko na natanong.." "Kuya naman eh.." reklamo ko. Bat di nya inalam.. "Why?..." humalukipkip ito sakin. Nanghahamon. "E kasi, bat mo tinanggap kung di mo naman alam kung kanino galing?. Pano kung chain letter ito ha?.. tsk.." "Hahahaha.." tinawanan pa ako. Bwiset talaga!.. "Sino namang magbibigay ng ganung sulat sa'yo ha little Bumblebie?.." Humaba ang normal kong nguso sa kanya. Tatanggap tanggap ng sulat tapos di alam kung kanino galing?. Pambihira!.. Paano kung death treath yun?. E di patay ako. Tapos wala nang forever sa mundo kasi hindi naging kami. Ampusa Bamby!.. Yang utak mo, malayo na naman narating. Magtigil ka nga!.. "Para malaman natin. Akin yang sulat.." nilahad ang kamay nya sakin. Hinihingi yung papel. That's a big no, no for me. Mabilis ko itong itinago sa likuran. "No!. You're invading my privacy Kuya.." napuno ng halakhak ang buong hallway hanggang loob ng kwarto ko. s**t na malupet!.. Anong nakakatawa?. Abnormal din minsan. "Makaprivacy ka dyan. Hahahaha.. Ang sabihin mo, ayaw mo lang basahin ko ang sulat ng secret admirer mo na malapit sa'yo. Tama ba ako?.." dinungaw pa ako sa mismong mukha. Hell s**t!.. Eto na naman sya. Tinulak ko ito ng buong pwersa. Paalis saking paningin. "Kuya.." tinalikuran ko ito saka nagmartsa papasok ng aking kwarto. Sumunod naman sya na may nakaukit nang ngisi sa kanyang labi. Damn!.. "May ideya ka kung kanino galing yan noh?.." pang-aasar nya pa. Hindi ko sya pinansin. Nagkunwari akong nag-aayos ng bag. Bwiset!. Pinagpapawisan na ako!.. Air please!. "Nay!. speechless. Meaning may alam to.. Naku po!.." sapo pa ang kanyang ulo. Ampusa!. Nalintikan na. Sinamaan ko sya ng tingin na naging dahilan na naman ng hagalpak nya. Ssshhhh!!.. Don't start Kuya!..Gusto ko syang pagalitan pero baka ako pa mapagalitan nya. Naku naman!.. "Kay Jaden ba?.." matapos mahimasmasan. Tinanong nya ito sa kawalan. Hindi iniinda ang talim ng aking titig. Kung apoy lang ang titig ko, malamang kanina pa sya natupok at naging abo. Bwiset!. Nang-aasar e. Kinikilig ako.. Suskupo Bamby!.. "I heard what happened yesterday. Kaya ba hanggang sulat nalang sya dahil pinagbawalan ito ni Lance?.." sinarado nya ang nakaawang na pinto. So here we are. Talking. One on one. Heart to heart. Relax your heart Bamby!.. Inhale. Exhale.. Tinikom ko ang bibig na umawang ng bahagya. Saka humugot ng malalim na hininga. Pinapakalma ang pusong bigla nalang bumilis ang pintig. "Hindi ako kontra sa ginawa ng Kuya mo at hindi ko rin sinasabing sumasang-ayon ako rito dahil alam ko, ginawa lang nya ang alam nyang tama para sa ikabubuti mo.." "Alam ko Kuya. Kaya nga hindi ko na sya kinontra pa.." "Good girl..." ginulo nito ang buhok ko. "Saka mo na problemahin yang love life mo kapag may diploma ka na ha. Sulitin mo muna yang pakilig kilig mo dyan. Dahil hanggang dun palang ang pwede sa'yo.. malinaw ba tayo Bamby?.." kahit labag na labag ito sa kalooban ko. Wala akong ibang pagpipilian kundi umoo nalang. "Malinaw ba tayo Bamby?.." Hindi pa nakuntento sa pagtango ko. Suskupo!.. "Yes Kuya.." tamad kong sagot. Nginitian nya lang ako. "Very good.. Basahin mo na yang sulat mo. Baka mapanis na. Tapos pakisabi sakin kung sa kanya ba talaga galing ha?.." Ang kulit din. "Kuya---?!.." "Hahahaha. kidding.. alis na ako. Good night.." humalik ito saking ulo bago tuluyang lumabas. Pero wala pang ilang segundo, bumalik syang muli. Hawak ang doorknob. Sumungaw ang kanyang ulo. "Nga pala. After reading and silently screaming. Haha.. Paki puntahan si Joyce sa guest room, baka makalimutan mong may bisita ka.. hahaha.. bye.." Wala akong masabi. I'm damn speechless. Sa mga pahiwatig nila. Talagang bawal pa. Suskupo!. Hanggang kailan tayo aasa Bamby?. Hanggang pasulyap sulyap nalang ba tayo o hanggang dun ka nalang sa mga PASANA ALL na linya?. My goodness!.. Sa likod ng mga pintuang nakasara, nakadapa kong binuksan ang kulay pink na envelope. Ingat na ingat ko pang tinanggal ang pagkakadikit nito. Saka dahan dahang tinanggal sa loob. Maging ang papel, ay kulay pink rin. At gaya ng envelope, stationary rin ito. Humugot ako ng sobrang lalim na hininga. Kinakabahan ako ng sobra. Naeexcite na natatakot sa maaaring laman ng liham. "Dear Bamby,.." unang dalawang letra palang. tagaktak na ang pawis ko kahit nakatutok sa electric fan. Mahaba ang papel. Ang unang tupi lang ang binkulat ko. Kaya di ko pa nakkita kung sinong nagpadala ng sulat. "Masama ba akong tao kung ginagawa ko ang ipinagbawal sa akin?. Masama na ba akong tao kung sinaktan ko ang taong ayaw kong masaktan?. Hehe.. Weird ba?.. Alam mo kasi, nawiwirduhan rin ako nitong nakaraan sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit lahat ng kilos mo ay gustong gusto kong tignan. Hindi naman ako obsessed hindi ba?. Feel ko naman, hindi. Haha.. Kontrolado ko pa ang sarili ko, pero hindi lang nung nakaraan. Kaya nga umabot tayo sa ganito hindi ba?.. Gusto sana kitang kausapin, pero mukhang ayaw mo pa kaya ito nalang ang naiisp kong paraan para magka-usap tayo.. kahit ako nalang ang sumulat sa'yo, okay lang sakin yun. Kahit hindi ka magreply, ayos lang. Basta mabasa mo lang ang mga laman ng isip ko na pilit kong nilulunok dahil hindi ko mailabas." Damn!. His hand written?.. The way he wrote his words. I knew already who he is. Kahit hindi ko na tignan ang kanyang lagda. Ang tigas ng ulo. Sabe ng ayoko muna syang kausapin e. Talagang gumagawa pa ng paraan ang loko. Ace Agatep. Sa huling tupi, ito lang ang isinulat nya. "I'm sorry. Forgive me please.. don't know what to do without you.." damn!.. Anong nakain ng mokong nato?.. Hinanap ko ang kanyang lagda ngunit wala. Hindi na nya nilagay pa dahil alam na nyang mahuhulaan ko agad na sya ang nagpadala nito dahil sa mga sulat kamay nya. Inulit kong muli ang huling linyang sinulat nya ng malakas. "I'm sorry. Forgive me please.. don't know what to do without you.." What?!.... Tahimik nga akong sumigaw. Hindi makapaniwala. Kinuha ang unan saking tabi saka tinakip sa mukha. Nakadapa pa rin ako. What the hell Ace?.. What's on you again?.. Akala ko sa kanya na galing e. Akala ko lang pala. Heto na naman tayo sa mga maling akala Bamby. Maling akala na lagi nalang tayong pinapaasa. Kahit wala naman, umaasa tayong meron. Inaakalang mangyayari ang nasa isip natin pero, damn!. Hindi pala. Dahil akala ko lang pala. Tumayo ako't inayos ang nagulong buhok. Saka bigla ko nalang naisip ang huling lyrics sa isang kanta na "Ng maling akala." kinanta ko pa ito bago napatalon dhail sa gulat. Ampusa!. May pusa na naman!.. Hell s**t!.. "Bamby.." si Kuya Lance naman ngayon ang nasa labas ng kwarto ko. Anu bang problema nila?. Puro sila Bamby. Mamaya mapudpod na pangalan ko kakatawag nila. Lol.. "Samahan mo raw muna si Joyce sa guest room. Dun ka na muna raw matulog sabi ni Mama." anya kahit di ko pa nabubuksan ang pinto. Tinamad na ako. Kumatok lang sya ng kumatok kaya wala akong choice kundi pagbuksan ito. "What?.." tamad kong sambit. Dinungaw ko ito. Nakahalukipkip na..Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Walang akong sapin sa paa. Suot ang pink na pajama at mahabang damit. "Si Joyce, ang sabi ni Mama tabihan mo raw muna matulog.." "Bat ako?.." Wala sa sarili kong sambit. "Bakit naman hinde ikaw?. Bamblebie, bisita mo yun tapos iiwan mo sa ere?.." tumaas kilay nya. Damn!. Wala ako sa mood makipag-usap e. Umirap ako sa kawalan.  "Okay po." sabay alis sa kanyang harapan. "Hep?.." pigil nya sakin ng isasara ko na ang pintuan. "Anu na naman?.." nainis ako bigla. Di ko alam. Dahil siguro sa hindi naabot ang expectation ko o dahil sa nabasa kanina. Suskupo!.. "Bakit ano yan ha?.. Anyare sa'yo?.." hinawakan nito ang panga ko saka sinipat bawat anggulo. Damn!.. "Wala Kuya.." iniiwas ko sa kanya ang aking paningin. "May hindi ba ako alam?.." pumasok sya sa loob ng aking kwarto saka hinawakan ang mga nakapatong sa mesang nasa tabi ng aking kama. Suskupo!. Andun pa naman yung envelope. Sana di nya makita. Ampusa naman kasi Bamby. Bat di mo itinago agad?. Inilingan ko lamang sya. "Sus!!.. nagdeny pa. Mukha namang meron." "Whatever Kuya.." sabay labas ng kwarto pero agad nyang hinila ang aking braso. "Kanino galing yung sulat?.." Paano nya naman nalaman ang tungkol dun?.. "Nakita ko kayo kanina ni Kuya. Kanino galing yung sulat ha?.." "Di ko po kilala.." humakbang ako pero hinila nya muli ako. "Malaman ko lang na kinakausap mo ang kahit isa sa kanilang dalawa, malalagot ka. Ay mali, sila ang lagot.. Bamby.." natulala ako sa likuran nyang pumasok na sa kanyang kwarto. Bwiset!.. Wala naman akong ginagawa ah. Bat nya ako tinatakot?. Bwiset talaga!!. Badtrip!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD