Pagbaba ko palang ng sasakyan. Nadapa na ako. Mabuti nalang talaga at wala pang estudyante. Maaga pa kasi. Alas sais palang ng umaga. Guest what?. Di man lang ako tinulungan ng mabait kong kapatid. Astig nya talaga!.
Deep sighed!.
Relieved! Walang nakakita sa kapalpakan ko e.
"Kuya. Wait for me!." tawag ko sa kanya pero di na nito ako pinansin. Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad. Sinalubong ang mga dati nitong kaklase. Nakipagtawanan na sya't lahat, di man lang ako tinatawag o ihatid man lang sa bago kong room. Tsk. Yaan ko na nga.
Bwiset! Sarap batuhin!.
Irap na lang ang tanging nagawa ko sa tawanan nila. Kung di lang talaga first day of school ngayon. Naku!. Tsaka isa pa, ayokong makita nya ako na haggard agad pag umaga. That is a big turn off, if ever Bamby. No way!.
Mabilis ang takbo ng oras. Mataas na ang sikat ng araw. Unti unti na ring dumarami ang mga estudyante. May nakita akong mga dati ko na ring kaklase.
"Uy Bamby.."
"Kamusta Win?." naķipagbeso pa ito sakin. "Lalo kang gumanda ah?." tukso nya pa nito.
Naku!. Kung alam nya lang na stress ako nitong nagdaang bakasyon. Tsk. Tsk.
Nagkibit balikat lang ako dahil may bigla nang yumakap sa akin galing sa likod. "Namiss kita Bambyyy.." diniin pa ni Joyce ang huling pantig ng pangalan ko. Sya ang bestfriend. Nag-iisa. Alam rin nya ang pinakatatago kong sikreto. "Andyan na sya.." sabay siko sa aking tagiliran. Humaba ang kanyang nguso. Sinundan ko ito. There he is. Walking. Full of confidence. Right hand on his pocket. Hanging on his left shoulder is his bag. Damn!. Why so gwapo?. Ugh!.
"Tulo laway mo te." asar ni Joyce. Sinara pa ang bunganga ko dahilan para matauhan ako. My ghad!. Anong ginawa ko?.
"Batiin mo na dali.." tulak tulak pa ako. Grabe talaga. Di na nga ako makahinga. Pinapatay pa nya ako sa kaba. Grabe sya.
"Tsk. Joyce. Nakakahiya.." bulong ko sa kanya. Akala ko bubulong din sya. Pero what the hell!. Tinawag nya pa ito. "Hi Jaden!." tuloy napabaling samin ang seryoso nitong tingin. Kinawayan sya ni Joyce kaya lumapit ito samin.
"Nasaan ang room natin?." tanong nya agad pagkalapit. Hawak ang strap ng bag nyang kulay madilim na asul.
"Di pa namin alam e. Iaanounce ata after ng flag ceremony." si Joyce ang nag-entertain sa kanya. Dahil ako?. Gosh!. I'm telling you now. I can't breath. Pinapawisan pa ako kahit wala naman akong ginagawa.
"Bamby, okay ka lang?." yung kakarampot na hininga ko. Nasimot na nang tanungin nya pa ako.
I'm dead!.
Palipat lipat ang tingin samin ni Joyce. Nagbabadya ang ngiting may halong kilig. Amp!.
Help me Joyce!. Oxygen please!.
Di pa rin matanggal ang mata nya sakin. Kaya napilitan akong tumango. "Ah-ahh. Okay lang ako." Mukhang di pa sya kumbinsido.
"Bakit parang pinapawisan ka?. Sigurado kang ayos ka lang?." pinilit ko na talagang ngumiti. Even if I don't have any strength to.
Nawala lang ang mata nya sakin ng dumating na si Ryan. Thanks to him.
"Huy!. Ayos ka lang?. Grabe pawis mo ah." ngisi ni Winly.
"Ayos lang ako." ayos na ako dahil hindi na sya nakatingin sakin. Grabe!. Yung mata nya. Para akong binabaon sa kanyang isipan patungo sa kanyang puso.
Mama oh!.
Sana maramdaman din ng puso nya ang t***k nitong puso ko. Mabilis at nakakapanghina. Pwede kong ikumpara ito bilis ng takbo ng isang kabayo.. Matulin, dahilan para pagpawisan ako.