Chapter 35: Mess

1395 Words
Dumami ang tao sa lob ng room ang karamihan pa sa kanila. Mga kaklase nila. Mabuti nalang uwian na. Dahil Kung nangyari hinde, sigurado akong magaguidance kami bukas. "Gago ka Jaden!..." "Sinong tinawag mong gago?.." lalapitan na sana nya si Ace pero mabilis akong humarang sa kanya. "Tanga. Tinawag na nga kita. Nagtanong ka pa. Gago ka talaga Jaden..." mabuti nalang at tumulong na sina Bryle at Billy sakin na awatin sya. Kulang ang lakaa ko upang pigilan syang sugurin si Ace na hawak na rin Nina Ryan at Paul. This is a big scene Bamby!.. You're in a mess now!.. Kung pwede lang akong tumakbo palayo na sa kanila. Kanina ko pa ginawa. Pero, linek!. Hindi ko magagawang iwan ang mga lalaki sa buhay ko na nag-aaway dahil sakin. Kaya kahit anong mangyari ngayon, dito lang ako. Kung ito na nga ang oras para malaman nya na gusto ko sya?. Bahala na. "Teka nga?. Kanina mo pa ako tinatawag na gago, may ginawa ba ako sa'yo?..." Nasa gitna nila ako pareho. Para kaming nasa isang entablado. Sila yung naglalaro tapos ako naman yung referee nila. Na hindi Alam kung pano sila patatahimikin. Matalim na matalim ang mata ni Ace na tumingin kay Jaden. Bago humagalpak ng tawa. Damn!. Bigla akong kinilabutan. "Gago ngang talaga?.. Nagtanong ka pa kung bakit kita tinawag na ganun?. Hindi mo alam?.." sarkastikong sumbat nito sa kanya. Like s**t!.. Katapusan ko na ba to?.. Oras na ba para malaman nya ang totoo?.. Holy s**t!. Hindi pa ako ready.. Natameme so Jaden. Nalilito sa inaasta ni Ace. Mabuti nalang kumalma na ang mga ito. Gosh... Lihim kong pinunasan ang luha saking mata. "Hindi mo nga alam?. Wala ka ngang alam.. tsk. tsk.." "Ano bang hinde ko alam?.." damn!. really?..All I thought you knew?.. Gusto kong sambitin pero masyadong basag ang boses ko ngayon para ipaalam sa kanila. Tumawa na naman sya. Abnoy!. "Really Jaden?.. Hindi mo alam kung bakit ganyan si Bamby ngayon?. O well. Sa itsura ng mukha. Mukha ngang wala ka talagang kaalam alam. hahaha.." "Ace please. Tama na.." pigil ko dito. Blangko lang syang tumingin sakin. Damn him!. "Gago ka rin Ace!.. Pwede bang sabihin mo nalang...." sigaw ni Jaden. Hawak pa rin sya ng mga kaibigan nya. "Ikaw ang mas gago.." haharapin pa nya sana si Jaden pero mabilis syang inilayo nina Paul at Ryan. Really damn you Ace!. Anong problema mo ha?.. "Mga pusa!..." biglang tili ni Winly dahilan para matigilan sila. Namaywang ito at binuksan ang pamaymay nyang laging hawak. "Mga lalaki ba talaga kayo o kagaya ko?.. Makasigaw, daig nyo pa ako tuwing andyan ang crush ko. Mga gago!. Di nyo man lang inisip kung nabibingihan na ba sya sa inyo o hinde?. Di nyo ba kayang mag-usap ng malumay?. Mga pusa kayo..." dinig kong nabungisngisan ang iba sa linyahan ni Winly. Tuloy, yung ibang luha ko, umurong pabalik. Sana lang matapos na to. Gusto ko ng umuwi. "See?. Kaya nyo palang tumahimik e.. Mga bakla!.. O para pantay, magsalita ka na Jaden.." utos nito dito. Kinabahan ako ng todo ng mabaling sakin ang malamlam nitong mata. "Anong hindi ko alam?.." sa aking mata sya nakatingin. Damn!. Hindi ako makalunok. "Hindi mo ba talaga alam na may nasasaktan kang tao Jaden?." inagaw ni Ace ang atensyon nya. Umiling sya ng bahagya. "Gusto mo bang malaman?.." Gosh Ace!. Can you please zip off your loud mouth!. Hindi sumagot si Jaden. Dun naman nagpatuloy si Ace. "Alam mo ba kung anong ginagawa ng babaeng karelasyon mo sa kanya?.." Oh God!.. Wala na akong takas dito. Umawang ang kanyang labi nang sundan ang tinuturo ni Ace. Mula kay Denise papunta sakin. My goodness Bamby!.. Umuwi ka na!.. "Anong ginawa nya?.." ani Jaden. Salubong na ang kilay. Hindi na nagugustuhan ang naririnig. "Lyka,.." tawag nya sa pangalan ng kaklase ko. Yung matabang maikli ang buhok. Yung nag-umpisa ng gulo kanina. "Anong alam mo?.." "Wala akong alam.." "Magsasalita ka ba o kailangan pa kitang pwesahin?.." madiing banta nito sa kanya.. Natahimik sya ng ilang segundo bago nagsalita. "Pinakalat nya sa lahat na timer raw si Bamby.." Yun palang ang sinasabi nya pero nanlalamig na ako. I knew it!. Sabe na eh. Ang lakas talaga ng hinala ko. Walang mintis. "Hala?!.." "Huh!?.. grabe naman sya!.." "Kawawa naman si Bamby.." dinig kong bulungan ng iba. "Ano pa?.." si Ace pa rin. "Na nilalandi raw ni Bamby si Jaden kahit sila na.." "Damn!.." malutong na mura ni Ace. Sinipa pa ang upuan na nasa tabi nya. Kinausap sya ni Ryan saka kumalma. "Anong--?. Wala kaming relasyon?.." tanggi ni Jaden kay Denise. Hindi makapaniwalang umiling si Ace sa kanya. Dun ko rin narinig ang impit na atungal ni Denise saking likuran. Sssshhhh!... "Sinong niloko mo?.." ngisi pa ni Ace. Loko!. Huminga ka nga Ace!. "Hindi nga kami.." patuloy na tanggi ni Jaden. Paniniwalaan ko ba sya o hinde?. Ang gulo ng isip ko. Kasing- ingay ng aking puso. "Paanong hinde kayo kung ang sabi nya gusto mo raw sya?.." "Kailan ko ba sinabi sayong gusto kita?. Ha?. Denise?.." di na nya napigilang magmura. Ako ata nasaktan sa sinabi nya.. Mas masakit pala ng malaman na hindi ka gusto ng taong gusto mo. I feel sorry for her. "Si-sinabi mong gusto mo ako Jaden.." uutal utal pang paliwanag ni Denise habang humihikbi. This scenario. I really don't want to be in. But because of the unfortunate events, I am involved. Bad thing for me. Nagkamot ng ulo si Jaden. Naiinis sa kausap. "Kailan ko sinabi yun sayo?. Wala akong matandaan Denise..." Mas lalo syang umiyak. Inalo naman sya ni Joyce at ni Lyka. Minuto muna bago sya kumalma. "Noong nasa library tayo.." bulong nito na dinig ng lahat. Tumalikod si Jaden at sinuntok ang board. "Inakala mong ganun yung sinabi ko sayo?. f**k!. Nag-assume ka ng hinde tinatapos ang sinasabi ko?. tapos heto ka pa ngayon, nananakit ng tao. Anong klase kang babae?" Damn!. Ang sakit nun. Kahit hindi yun para sakin, tumagos pa rin saking puso. Nasaktan ng biglaan. "E kasi sinabi mong---.." "Ang sabi ko noon, gusto kita... bilang kaibigan Denise. bilang isang kaibigan lang. Hindi mo ko pinatapos kasi nagsaya ka na agad.." "Gago. Nagpaasa ka ng babae.." sumingit na naamn ang Ace. Tsk. Tumahimik ka nalang kasi Ace. "Ulitin mo nga?.." Yung kumalmang awra nila. Uminit na naman. Sumasakit na ulo ko. "Alam mo palang hindi nya narinig yung sinasabi mo e. Bakit pumayag kang ipagkalat nya sa lahat na kayo na?. Ibig lang sabihin nun, ginusto mo rin ang ginawa nya..." Hindi na nagsalita pa si Jaden. Agad na nyang sinugod si Ace saka sinapak. Natumba pa ako sa pagsuntukan nila. Umawat na ang iba pa naming kaklase. Ampusa!. Ayoko na sa kanila. "Anong nangyayari dito?.." my saviour of the day. Kuya Lance. Waaaaaa!!.... Iyak ng isip ko. Tumagilid ang iba upang paunlakan si Kuya sa loob. Dumiretso ito sakin. Sinipat ang bawat parte ng katawan ko. Bago natigil sa aking mukha. Kita kong natigil ang dalawa. May dugo na sa kanilang mga labi. Bahala nga sila!. "Anong kaguluhan ito?.." nilingon ang paligid. "Ace?.." tumingin sya kay Ace. Salubong na ang kilay. Nagtataka. "Jaden?.." bago naman sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha. Nagtatanong. Hindi nakapagsalita ang dalawa. Napipi. Buti nga. "Anong nangyari rito at mugto ang kanyang mata?.." mabilis akong tinuro ni Kuya na ganun rin kabilis ng paglaki ng aking mata. Hindi na nga ako umiiyak. Pero gaya nga ng sabi nya, sure akong mugto nga ito ngayon. Yun pa talaga napansin nya. "Wala bang makapagpaliwanag kahit isa man lang?.." seryosong tanong ni Kuya. Maging ako, walang lakas ng loob magsalita. Napagod kakaintindi sa kanila. "Pwes. Tara na Bamby. Umuwi na tayo. Nasaan yung bag mo?.." si Karen ang kumuha ng bag ko saka iniabot sa kanya. Wala nang salita. Basta nalang nya akong hinila palabas ng room. Pero hindi pa kami nakakalayo. May nagsalita na sa kanila. "Kuya!..." boses yun ni Ace. Tumigil si Kuya sa paglalakad. "Kuya..." tawag naman ngayon ni Jaden. Oh what the hell!. Bat nyo pa kami pinigilan?. Mas lalo lang syang magagalit. "Pwede ba?.." galit syang humarap sa dalawa. Hindi pa rin nababawasan ang bilang ng mga taong nanunuod samin. "Wag nyo akong matawag tawag na kuya dahil hindi nyo ako kapatid. Sya lang at wala ng iba." natahimik ang lahat sa huli nyang sinabi. Sabe nang wag galitin ang mabait e. "Tara na Bamby.." hinila nya ako ngunit huminto at humarap muli sa kanila. Nakakapagod naman. "At isa pa. Simula ngayon. Ayoko ng makita pang lumapit kayo sa kanya. Kahit kaibigan ka pa nya." madamdamin nyang turo kay Ace. Kuya!?. "O kahit kaibigan pa kita. Malinaw?.." turo nya rin kay Jaden. Hindi na nya hinintay pa ang sagot ng dalawa. Basta nalang nya akong kinaladkad palayo sa kumpulan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD