Chapter 7.7 “NGAYON ko lang nalaman na magaling ka pala umakyat ng puno, Stephanie.” Namanghang pagkakasabi ni Michael sa idol niya na kasunod ni Victor na umakyat sa puno. Narito pa kaming dalawa ni Michael sa baba. “Madali lang naman umakyat. Marami namang makakapitan dito.” Sagot nito’t pumangiti. Sumunod pa ‘to kay Victor at mula rito’y hindi namin sila nakikita kasi parang nasa gitna sila nitong puno. “Pre, akyat rin kayo rito para makita niyo ang pagtatayuan natin ng bagong bahay natin.” Pumasilip na sabi ni Victor. “Okay pre… sunod na kami.” “Ah—kayo na lang, nasabi ko naman sa’yo ‘di ba na meron akong takot sa matataas na lugar. Tsaka na lang ako aakyat kapag meron nang hagdan. Sa ngayon dito na lang muna ako sa baba—ayusin ko lang mga gamit namin.” Sabi ni Michael at humaw

