Chapter 6.2

2304 Words

Chapter 6.2   “THANK you for saving us, pre.” Mahinahong pagkakasabi ni Victor subalit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkabigla. “No problem—” Sagot ko’t napatingin ako sa tapat ng bahay namin, nagliliyab pa rin naman ang apoy na ginawa namin at abot ang liwanag mula rito. Hindi lalampas sa dibdib ang lalim ng tubig at ngayon ko lang talaga nararamdaman ang lamig ng hanging dumadampi sa basa kong katawan, “…sa ngayon, dumito lang muna tayo sa tubig para makasiguradong wala na ang mga hyenas sa paligid.” “Tang inang mga aso ‘yon. Akala ko talaga lalapain na tayo ng buhay—ganoon pa naman ang ginagawa nila, kinakain nila ng buhay ang pagkain nila.” napalitan ng pagkabanas ang tono ni Victor. “No—they’re not dogs.” Sambit ni Michael na nasa aking kaliwa. Tumingin sa kaniya si Victor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD