Chapter 03

2118 Words
Hope's Pov   Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar na puting kisame.   Tsk. Nasa ospital na naman ako.   Matagal akong tumira sa ganitong lugar kaya pamilyar agad sa akin ang paligid. Kahit ang amoy ay pamilyar din kaya napasimangot nalang ako.   Anong ginagawa ko dito?   Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ko si Graysean na nakahiga sa sofa'ng nandito sa kwarto ko.   Akma akong gagalaw para gisingin ang kumag pero hindi ko nagawa. Maliban sa naka-cast ang magkabilang binti at kanang braso ko, may benda din ako sa ulo at neck brace.   "W-what the hell?" Anong nangyari sa akin at nagkaganito ang katawan ko? Napaaway na naman ba ako at sa kasamaang palad ay napuruhan?   "Heydrich!" Agad tumayo si Sean at lumapit sa akin. "Mabuti naman at gising ka na. Wait lang, tatawagin ko ang doctor." Agad syang lumabas ng kwarto ko at pagbalik ay may kasama na syang mga doctor at nurse. "Doc, paki-check syang mabuti."   Agad akong inasikaso ng mga doctor at nurse. Pinabayaan ko muna sila sa kailangan nilang gawin dahil mamaya, ako naman ang magtatanong.   "Miss Ehrenberg. Pwede mo bang sabihin ang huling naaalala mo bago ka maaksidente." tanong ng isang doctor sa akin. "We just want to make sure na walang naging side effect ang nangyaring aksidente sayo."   "Doc, I'm fine. Walang problema sa utak at memories ko. Malinaw sa akin ang lahat kung bakit ako nandito." madiin kong sabi.   Bumuntong hininga ito tsaka bumaling kay Sean. "You don't have to worry, Mr. Clevis. Maayos na ang vitals nya. Ang mga fractured sa katawan nya ang kailangan nating pagtuunan ng pansin."   "Matatagalan ba bago gumaling ang fracture nya?" tanong nito.   Muling bumaling sa'kin ang doctor bago nagsalita. "Maybe, two to three weeks. We still need to observe it for us to be sure."   "Oy." tawag ko kay Sean na agad tumingin sa'kin. "Umuwi ka muna nang makaligo ka naman at makapagpahinga ng maayos. Then pagbalik mo, dalhan mo ako ng pagkain."   "Pe—" Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil sinamaan ko sya ng tingin.   "I know what you think so quit it. Oo, ikaw ang kasama ko nanggabing iyon pero hinid mo kasalanan ang katangahan ko. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya ako nabangga."Yeah, malinaw na sa akin kung bakit nga ba ako nandito sa ospital.   Masyado akong space out ng gabing iyon kaya hindi ko napansing nasa kalsada na ako at may padating na sasakyan. Hindi yata nakontrol ng driver ang sasakyan dahil sa biglang pagsulpot ko kaya ako nabangga.   At base sa pagkakakilala ko sa lalaking ito, sinisisi nya ang sarili dahil nga sya ang kasama ko nang gabing iyon. Iniisp nyang responsibilidad nya ang nangyari sa akin. Well, partly yes. Responsable nga sya dahil sya ang nagdala sa akin sa lugar na iyon pero inuna nya ang kalandian kaya ito ang nangyari. But still, ayokong isipin nya iyon dahil siguradong hindi aalis ito sa tabi ko para alagaan ako at nangangahulugan lang noon na hindi matatahimik ang buhay ko dahil sa kadaldalan nya.   "Isa pa, maayos na ang lagay ko kaya ayusin mo muna iyang sarili mo. Baka masapak kita nang wala sa oras kapag nainis pa ako sayo." Iniamba ko sa kanya ang kaliwang kamao ko.   "Chill." Huminga sya ng malalim tsaka ngumiti. "Mukha nang magaling ka na. Nagiging brutal ka na agad eh."   "Oo, magaling na ako." singhal ko sa kanya. "Hindi ka na kailangan dito. Ang daming nurse at doctor dyan na pwedeng mag-alaga sa akin noh."   "Sige. Pero babalik ako mamaya. Dadalhan kita ng pagkain." Kinuha nya ang jacket. "Huwag mo akong mami-miss agad huh."   "Gago!" Babatuhin ko sana sya ng unan pero mabilis na syang nakalabas ng kwarto. Bumuntong hininga nalang ako at bumaling kay David, ang doctor ko mula noong ma-diagnosed ang sakit ko hanggang ngayon.   Actually, ang opsital na ito ang tinirhan ko for almost 5years at ang kwartong ito ang ginamit ko noon.   "David, I can't feel my legs and right arm."   Naupo sya sa tabi ko. "Hindi lang iyan ang problema, Heyd. Malakas ang impact ng pagkakabangga sayo kaya nagkaroon ka ng internal bleeding."   "So, inoperahan na naman ako?" tanong ko na tinanguan nya kaya muli akong bumuntong hininga. Ilang beses na akong inoperahan noon at ayoko na sanang maulit kahit bago man lang ako mamatay.   "Hindi na din biro ang tumor sa utak mo, Heyd. Kung hindi ka na talaga gagawa ng paraan, iyong 1 year na ibinigay sayo ay baka mas mapaaga pa." aniya. "Idagdag pa iyang mga paa mo. Baka hindi ka na makalakad."   "Ganoon kalakas ang pagkakabangga sa akin?"   Tumango sya. "Head injury, both legs and right arm. May bali ka din sa tagiliran pero hindi naman ganoon kalala and to be honest, you almost died due to blood lost. Mabuti nalang at dumating agad ang parents mo."   "Damn it." mahina kong mura. Siguradong nag-hesterical na naman si Papa dahil sa nangyari sa akin. Sa kanilang dalawa pa naman ni Mama, sya ang madaling magpanic. "Anong option para makalakad uli ako?"   "Operations and physical therapy. But just like what I said, there's always .01% na hindi magwork ang mga iyon."   "Then, hayaan na natin ang lagay ko ngayon. Ayokong umasa uli ang mga magulang ko na gagaling pa ako kahit malinaw nang wala na tayong magagawa para humaba pa ang buhay ko." Tanggap ko na ang kapalaran ko at alam kong konting push nalang, matatanggap na din iyon ng mga magulang ko at titigil na sila sa paghahanap ng lunas sa sakit kong ito.   "It looks like, magkakasama na naman tayo sa loob ng isang taon." Yeah. Dahil hindi na ako makakalakad, siguradong dito na uli ako patitirahin nila papa para masigurong maaalagaan ako. Ginulo nya ang buhok ko at malungkot na ngumiti. "You know what? Gray was right. Hope doesn't suit you because you don't even have one."   Tinapik ko ang kamay nya tsaka umiwas ng tingin. "I do have one but that was before. Nakakapagod din naman kasing umasa sa isang bagay na pare-pareho nating alam na imposible nang mangyari."   "It doesn't really suit you, Heyd." sabi nya. "Anyway, iyong dati mong nurse ay sa ibang floor naka-assign kaya makisama ka sa bagong mag-aalaga sayo. At huwag kang gagawa ng kalokohan dahil mas mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Are we clear, Heydrich Oxen Pria?"   Sinamaan ko sya ng tingin. "Sasapakin na kitang doctor ka!" Alam nyang ayokong binabanggit ang buong pangalan ko eh. Tsk. Kung hindi nga lang dahil kay Papa baka nagpalit na talaga ako ng pangalan. "Oo na, wala akong gagawing kalokohan sa mga nurse mo."   Mas lumapad ang ngiti nya at muling ginulo ang buhok ko. "Great. Be good." At umalis sya kasama ang ilang nurse pero may naiwang isa para i-ayos ang bondage sa katawan ko dahil may gasgas akong natamo.   "Ilang araw akong walang malay?" tanong ko sa nurse.   "2 weeks, Miss. At halos araw-araw nga pong nandito si Sir Graysean para bantayan kayo eh." aniya.   Hindi nakakapagtaka iyon dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil sinisisi nya ang sarili sa nangyari sa akin. Pangalawa,nandito na din sa ospital na ito ang crush nyang nurse na si Yuuna.   "At may isa pa pong lalaki ang madalas pumunta dito tuwing madaling araw."aniya na ikinakunot ng noo ko. "Hindi ko nga lang po namukhaan kasi nakasuot sa kanya ang hood ng jacket nya and naka-face mask din. Pero kilala nyo siguro iyon dahil nakita ko syang kausap ng papa mo."   Wala akong kaibigan kaya wala akong inaasahang bibisita sa'kin maliban sa parents ko at ang self-proclaimed bestfriend ko kaya sino iyon?"   "Ah, narinig ko pong tinawag sya ng papa nyo na Kei." dagdag nito.   Wala akong kilalang may ganoong pangalan kaya ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Baka isa sa kaibigan nila Papa na gusto lang makibisita.   __________   Tulad ng sinabi ni Sean, bumalik nga sya dito sa ospital at mabuti nalang ay may dala syang pagkain kaya hinayaan ko syang mag-stay dito.   "Ako uli ang magbabantay sayo, huh." sabi nya na ikinakunot ng noo ko. "Alam kong magaling ka na pero kailangan mo pa ding maalalayan hanggang sa gumaling ang mga fractured mo."   Tinaasan ko sya ng kilay. "Ako pa talaga ang idinahilan mo, huh. Ang sabihin mo, gusto mong mag-stay ditodahil alam mong isa si Yuuna sa mga nurse na nag-aasikaso sa akin."   Alanganin syang ngumiti at napakamot ng ulo. "Kasama na din iyon."   "Gago ka ta—hmp!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinasakan  nya ako ng pagkain sa bibig.   "Don't say bad words, Heydrich." natatawa nyang sabi. "Masyado nang madumi ang bibig mo. Puro mura ang lumalabas eh."   Inirapan ko nalang sya at ipinapatuloy ang pagkain.   "Ang bad mo talaga sa akin." May pagtatampo sa boses nya na hini ko pinansin. Mag-iinarte lang ang gagong ito. "Hindi mo ba alam na halos wala akong tulog sa loob ng dalawang linggo dahil sa pag-aalala sayo?"   "It's your fault, gago!" sighal ko. "Hindi ko sinabi sayong bantayan mo ako noh." Muli ko syang inirapan. "At isa pa, masyado ka kasing tanga para isiping ikaw ang dapat sumalo sa responsibilidad sa nangyari sa akin. Akala mo ba, malala ang lagay ko? Tsk."   "Heydrich, muntik ka nang mamatay ng gabing iyon kaya natural lang na sisihin ko ang saruli ko sa nangyari. At sa lakas ng pagkakabangga sayo, hindi imposibleng magkaroon ka ng malalang injury." Malala naman ang mga injury ko ah. Hindi ko lang pwedeng sabihin sa kanay dahil una sa lahat, hindi ko kailangan ng awa at pag-aalala nya. "Kaya nakahinga ako ng malwuwag nang malamang maayos na ang lagay mo."   "Hindi ako kasing hina ng iniisip mo." Itinuon ko ang tingin sa pagkaing hawak ko para hindi nya mapansin ang pagsisinungaling ko tungkol sa lagay ng katawan ko. "Simpleng car accident lang at hindi iyon ang papatay sa akin. Baka nakakalimutan mo, nakapatay ako ng bampira."   "Oo na. Malinaw na sa akin kasi nakausap ko iyong doctor mo at sinabi nyang maayos na ang lagay mo. Kaunting pahinga lang daw, pwede ka nang lumabas at kahit sa bahay ka nalang magpagaling ng fracture mo."   Sinabihan ko si David na kung magtatanong ito tungkol sa lagay ko ay iyon ang sabihin. Sabi ko nga, ayokong malaman nya ang tunay kong kundisyon. Ayokong may ibang mag-suffer sa nangyayari sa buhay ko.   At lalong ayokong mag-suffer ang lokong ito dahil sa nangyari sa akin. Kahit minumura at binu-bully ko sya, I appreciate him being my friend.   "Sabi nga pala ng doctor, makakalabas ka na dito in 2 weeks kaya sasamahan kita para hindi ka ma-boring." Napasimangot ako sa sinabi nya. Hindi na naman pala matatahimik ang dalawang linggo ko sa ospital na ito. "After 2 weeks din kasi magsisimula ang trabaho ko."   "May assignment ka na uli?"   Tumango sya. "It's still not sure because I need to gather information."   Shit! He's a spy at delikado ang trabaho nyang iyon lalo na't ang hina-hunting nila ay mga vampire.   Damn it! Paano ko masisigurong ligtas ang lalaking ito sa lagay kong ito? Hindi ko sya mapo-protektahan tulad ng pangako ko kay Gracie.   Iyon ang pangako ko sa kanya. Ang siguraduhing ligtas ang nakatatanda nilang kapatid dahil noon pa man,lapitin na ito ng gulo.   Kaya nag-aral ako ng martail arts para magawa iyon. At wala sa plano ko ang mapalapit sa kanya pero tadhana ang naglalaro sa kapalaran namin.   "Sino ba ang pinagsu-suspetsahan nyong bampira, this time?" tanong ko. Baka sakaling magawan ko ng paraan kung may alam ako dito.   "Ang kapatid ng emperor sa ina. Si Prince Kelly."   Mas delikado pala ang sunod nitong assignment. Prinsipe na iyon kaya siguradong mahigpit ang security kaya mahihirapan din sya.   "Bulgar din sa public ang pagiging sakim ng prinsipe kaya kahit may kakayahan sya para maging emperor ay hindi sa kanya ipinamana ang trono." aniya. "At napabalita din na maraming babae ang nawawala matapos itong huling makita sa tirahan ng prinsipe. Pero dahil walang matibay na ebidensya, hindi magawang makapagsampa ng kaso."   "Hindi madali ang trabahong iyon, Sean. Prinsipe na ang kalabanin nyo. Paano kung mapahamak ka?" Nawala na nga sina Gray at Gracie tapos susunod pa ito. "Siguradong masasaktan na naman sila.   Ngumiti lang sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Nag-iingat ako dahil wala akong planong saktan ang mga magulang ko. Ako nalang ang natitira sa kanila eh." Tumayo sya. "Bibili lang ako ng maiinom natin."   Hindi na ako nagsalita at hinayaan na syang makaalis dahil nalunod na ako sa pag-iisip kung paano mapo-protektahan ang lokong iyon.   "Kumusta, Little lady."   Lumingon ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses at napakunot ang noo ko nang makitang ang lalaki ang nakatayo. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakapatong sa ulo ang hood ng suot nyang jacket.   "Sino ka?" Wala akong maramdamang panganib pero inalerto ko pa din ang sarili ko just in case kahit hindi ko alam kung paano nga ba lalaban kung sakaling may gawin itong masama.   Naglakad sya palapit sa akin pagkuwa'y naupo sa gilid ng kama ko tsaka inalis ang hood ng jacket.   Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito. "E—hmm." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil inilapat nya ang daliri sa labi ko. Damn it! Anong ginagawa nya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD