"You said you'll going to get want I want pero binigo mo ulit ako, Megan! Wala ka talagang kwenta!" Isang malakas na sampal ang iginawad ni Alexandra sa mukha ni Megan. Napapikit ng husto si Megan dahil doon. Gusto nyang umiyak sa sakit pero pinigilan nyang huwag mahulog ang luha sa mata nya. Ayaw nyang may nakakakita sakanya na mahina sya, na mababaw ang luha sa mata nya na tanda na isa lamang syang babae. "Ginawa ko ang inuutos mo. Nangyari ang plano pero tila ginayuma ng step daughter mo si Norbert." mahinang sambit ni Megan. Isa pa sanang sampal ang igagawad ni Alexandra pero pinigilan nito ang sarili nya. Huminga ng malalim si Megan saka nagtanong. "Bakit ba ang init ng dugo mo sa babaeng 'yun?" puno ng pagtataka sa tanong ni Megan pero naroon rin ang takot na baka hindi lang sampal

