Halos buong araw na tulog si Norbert matapos ang dalawang oras na operation parangalin ang nakatusok na bakal sa paa nya pati na rin ang kapirasong salamin na nakatusok sakanyang kanang braso. Mahimbing syang natutulog ngayon pero kita sa mukha nya ang pagod at pag-aalala. Madaming sugat ang mukha nya pati ang dalawang braso. Naka cast ang kanang braso nya dahil bukod sa may sugat doon ay may bali ang braso nya. Ang isang paa naman nya ay may cast din. Kita sa itsura ni Norbert ang kalunos-lunos na nangyari sakanila sa aksidente pero wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nangyari saknila iyon. Wala ring lead kung nasaan si Margareth. Ang daddy na ni Margareth ang nagdecide para sa paghahanap sakanya. Ipinaembestiga na rin ang kotse ni Norbert kung sinadya ba o hindi ang aksidenteng

