RED’S POV Labis ang aking pag- aalala ng makita ako ni Ela na kahalikan ni Jana. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang maamong mukha ng aking asawa na nagpapagaan sa aking araw sa tuwing ngingiti ay walang mababakasang ng kahit ano ng emosyon. Para itong ibang tao na may malamig na tingin. Sa bawat sampal na iginagawad niya kay Reese at kay Jana ay alam ko na nagpipigil pa ito dahil hindi lang iyon ang kaya niyang gawin. “Gusto mong ikaw ang saktan ko hindi ba? This is the simplest way I know that will cause you pain.” walang emosyon sabi ni Ela habang patuloy sa pagsampal kay Jana na halos mamaga na ang pisngi at dumugo na ang nguso. “Tama na, Ela” awat ko pero mas nagulat ako sa kanyang ginawa dahil wwalang kahirap hirap niya akong naibalibag sa sahig at inundayan ng

