Heather's PoV "Baka! Moment nilang mag-asawa to, bantay lang tayo" sabi ni Sadiki habang hila hila si Heather papalayo kay Ela "Anong Baka! Akala mo hindi ko alam ang ibig sabihin nun, Tinawag mo pa kong Bo bo. Kureijīda yo (Siraulo to)" tinanggal ni Heather ang pagkakahawak ni Sadiki sa kamay niya "Anata wa nihongo to iu kotoba o rikai shite imasu ka? (nakakaintindi ka ng salitang nihongo)?" nanlaki ang singkit na mata ni Sadiki sa pagkamangha "Malamang sasagot ba ako kung hindi ko naintindihan. Tigilan mo na nga kaka-japanese mo sasamain ka na sa akin eh." pairap na sabi ni Heather at naglakad papalayo sa lalaki. "Gomen! Gomen!(Sorry)" hingi ng tawad ng lalaki at sumunod sa babae. Iniiwasan ni Heather ang lalaki dahil ilang beses niya na itong nakita kung paano pumatay ng tao. Kung

