"Para saan naman 'to? Baka naman may iniwan Kang clue Nurse Lucy aka Lola Luciana?" Naulinigan kong Boses ni Ela Bumagal ang aking paghakbang at napakunot ang aking noo. Nurse Lucy? Lola Luciana? May alam siya? Paanong nadawit dito ang Nurse ni Dona Alondra? Hindi na ako nag-aksayang kumatok sa pinto at binuksan ko na lamang dahil bahagya itong nakaawang. "Ela" tawag ko sa kanya at pumasok sa loob. Naglakad ako papalapit rito. "Oh, Red. Nandito ka na pala, akala ko mamaya pa kayo makarating eh." sagot ni Ela ng lumingon ito sa akin. Ibinaba nito ang mga hawak nitong papel at pulang box saka yumakap sa akin na parang miss na miss ako. Agad ko Rin itong ginantihan ng magaan na halik at hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Sandali, huwag masyadong mahigpit baka maipit" anito "Maipi

