Kung bigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang kapalaran mo,
.
.
.
Ano ang babaguhin mo?
___
"Parang awa mo na Jameson. Wala akong balak ipaalam sa iba ang tungkol sa Inyo ni Ate. Lalayo ako, hindi na ako magpapakita sa Inyo at kahit kina mama. Please parang awa mo na" pagmamakaawa Kong Sabi Kay Jameson.
He is my husband.
Pagtungtong ko palang ng 18yrs old ay naengage kami kaagad at nakalipas lang ng Isang buwan ay ikinasal kami.
Masaya ang unang taon ng aming pamumuhay bilang mag-aasawa ngunit lumipas lang ang tatlong taon ay nagbago ito. Lumabas ang kanyang tunay na pag-uugali. Babaero ito na na tipong nagdadala na ito ng babae sa bahay at naging mas mainitin ang ulo.
"Pasensya na Ela, walang kasiguraduhan na hindi ka magsusumbong kung sakaling hayaan ka naming mabuhay. Magkakaroon pa ako ng chance na mapangasawa ang ate mo kung sakaling mawala ka sa landas namin. Huwag ka mag alala sa parents mo dahil gagawin nating aksidente ang pagkawala mo."
Pagkasabi ay itinulak Niya ako ng malakas sa bangin na nasa likuran ko. Habang Nasa ere at hinihintay ang aking pagbagsak sa batuhan ay sumabay sa pagbagsak ang aking mga luha.
Hinawakan ko ang pendant clock na NASA aking bulsa.
Ito ang pendant clock na ibinigay sa akin ni Abuela ng ako ay 16 years old palang..
.
.
.
Pakiusap, bigyan niyo po ako ng Isa pang pagkakataon para mabago ang kapalaran ko...
Gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko na walang pinagsisisihan...