THIRD PERSON’S POV Lingid sa kaalaman ni Red ay kumikilos na si Sadiki. Nangalap na ito ng mga impormasyon tungkol sa ama ni Red na si Reagan Montemayor. Napangiti si Sadiki ng malaman na gusto palang makapasok sa showbiz ang anak na babae ni Reagan na kapatid ni Red. Kaagad niya itong pinatawag sa kanyang opisina. “Sir, Ms. Reese Montemayor” saad ng kanyang sekretarya ng makapasok sa loob ng kanyang opisina. A wicked smile drew on his lips “Let her in.” inayos ni Sadiki ang kanyang sarili sa pagkakaupo at hinintay ang pagpasok ng bisita. “Good Afternoon, Pres. Watanabe” nahihiyang bati ni Reese. “Come in, Please have a seat Ms. Montemayor. Just call me Ishiki, nakakatanda masyado ang Pres. Watanabe” saad nito at iginaya ang dalaga sa upuang para sa kanyang bisita. “Reese na la

