Naging maayos ang mga unang linggo ng aking pagtira sa bahay ni Red. Gaya ng dati ay pinagpatuloy ko ang aking daily routine. Sa umaga ay pumapasok ako, pagdating naman ng hapon ay dumidiretso ako sa training ng muay thai. Tuwing weekend naman ay sa shooting range ako nagpupunta. Nasa usapan namin na huwag niya pakikialaman ang mga bagay na ginagawa ko. Paraan ko ito ng paghahanda. Maaring nabago ko na ng bahagya ang aking tadhana pero hindi ko pa nasisiguro kung matutuloy o hindi ang aking pagkamatay sa susunod na apat na taon. Naglalakad ako palabas ng school ng may isang kotse na humarang sa aking daraanan. Umibis doon si Jameson. Nakangiti ito at may hawak na isang bungkos ng red roses. "Good afternoon,Ela. For you.." anito at ibinigay ang bulaklak sa akin Tinaasan ko lang ito

