Lumabas kami ng suite para bumalik sa venue. Nakaakbay ito sa akin, nakapulupot na naman ang kamay nito sa aking bewang. Muli kaming nakipaghalubilo sa mga bisitang naroroon. Hindi namin inaasahan ang pagpasok ng mga bagong dating na bisita. Si Jameson na nakakawit sa braso nito si Cassandra. "What are you doing here?" tanong agad ni Red na may madilim na mukha agad niyang hinawakan ang aking kamay. "I invited him. Christian is my boyfriend" Salo ni Ate Cassandra. Ipinulupot ni Jameson ang kamay nito sa bewang ng ate ko. "Congratulations, Ela, Red. Here's my wedding gift." nakangiting Sabi ni Jameson na hindi mo makikitaan na may maitim itong balak. Iniabot Niya sa akin ang Isang gift bag Pero maagap na sinambot ni Red iyon. "Congratulations, Little sis" bati ni ate at humalik s

