RED'S POV Nang makita ko ang pasa ni Ela ay agad na nabalot ng pag-aalala ang aking kalooban, malaki ang pasa nito na madaling mapansin dahil sa maputi nitong balat kaya kaagad Kong nilapatan ng paunang lunas. Nakaplano ang aking pag-alis kagabi, marami akong dapat gawin Pero para akong natukso na ito'y aangkinin habang nakalantad ang maganda nitong katawan. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kapag nahahawakan ko siya, Agad tumataas ang aking Libido at para akong laging sabik sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na magising. Bago umalis ng bahay ay kinausap ko na muna si Heather. Pinatawag ko ito sa aking opisina, It's still six in the morning. "Give me the details of what happened last night." seryoso Kong tanong kay Heather na ngayon ay nasa aking harapan upang magbigay ng detalye.

