Red’s POV Matapos kaming makapag-usap ni Sadiki ay naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi lang ako ang bumalik sa nakaraan dahil maging ito pala ay nagmula sa hinaharap. Ikinwento niya sa akin ang buong nangyari pagkatapos kong masawi sa una kong buhay. Maging si Sadiki ay hindi rin alam na si Makszim ang traydor sa kanilang samahan kung kaya tahimik itong nagmamasid nang walang sinasabihan kahit sa akin. Anito ng mamatay ako ay nagpakita ang aking ama o pekeng ama na si Reagan kasama ang asawa nito ang anak na si Reese. Dahil labis ang pagdadalamhati ng kanyang ina dahil sa aking pagkawala ay ginamit iyon ng mag- asawa upang makuha ang aking mga ari- arian. Si Sadiki at ang samahan ang kumupkop kay Mama at kay Lolo. Nakahiga ako sa aking kama habang hawak ang gintong barya. Gusto ko m

