Farewell | oneshot

337 Words
"Yeji!! Sulatan mo na tong uniporme ko dali!" ngumiti ng matamis si Ali ang kaibigan ko sabay abot saakin ng kulay pulang panulat. Nagniningning ang kanyang mga mata, tila ba ay inaakit ako sa kanyang ganda. "Para saan pa? Parehas naman tayo ng skwelahang papasukan diba?" Isang linggo nalang at magtatapos na kami sa secondarya kaya naman nagsusulat ang lahat ng farewell letter sa uniporme ng mga kaibigan at kakilala. "Sige na plsss, lahat kaya ng taong importante sakin nakapag sulat na dyan yung mga kaibigan natin sila Jess, Alex at Mikey tapos si teacher Monique. " Kinuha ko sakanya ang panulat, bumuntong hininga ako at inukit ang sigaw ng aking puso. Gusto kita Ali - Yeji Sa bawat letrang aking iginuhit mga matatamis na alaala natin ay bumalik. Napangiti ako sa aking naisip. Pitong taon, pitong taong itinago ang nararamdam. Pitong taon mo na rin akong minahal bilang kaibigan lang. "Alam mo Yeji, naisip ko nga lovelife nalang ang kulang. Bumuntong hininga ako at saka sumagot. "Pwede namang tayo nalang" sa mga salitang binitawan, puso nagwala sa kawalan. Mapagbibigyan mo kaya kahit tayo ay pagbawalan? "Huh? Ang weird non noh parehas tayong babae, tsaka ayoko din masira yung pagkakaibigan natin, ikaw kaya ang best friend ko" Natahimik ako at sumulyap saaking isinulat, kasabay ng iyong salita, ihip ng hangin ay lumandas sa aking mga balat, tila ba ay niyayakap ako dahil sa sakit na natamo. Dali dali ko itong binura kasi oo nga naman, kaibigan lang ang tingin mo sakin, hanggang kaibigan lang ako. At paano mo nga naman ako magugustuhan, parehas tayong babae na kailanman ay hindi sangayon sainyong katuruan, kaya siguro kakalimutan ko nalang ang nararamdamang kailanman ay hindi mo mapagbibigyan. "Ang haba naman sinulat mo, mas mahaba pa ata yan sa isinulat ko sayo e." biro pa nito saakin. Napangiti nalang ako sa kawalan. Ang sakit palang maging kaibigan mo lang. Ngunit kahit masakit buong puso kong natatanggapin basta't manatili ka lamang. @Yeji || kailan kaya mapagbibigyan? . . . #wlw #🌈 @ayiishinaii
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD