Jane Medyo tinanghali na akong nagising ngayon. Buti na nga lang at sabado kaya ok lang kahit magbabad pa ako sa kama ko. Dami ko kasing tinapos na paperwork's kagabi. Medyo uminit pa nga ang ulo ko dahil andami na namang mababa ang nakuhang score sa pa long quiz ko kahapon. Nag announce na nga ako na mag pa long quiz ako at ng makapag review muna sila pero wala pa rin talaga. Nakakainit lang tuloy ng ulo. Mga tamad mag aral puro pasarap lang sa buhay porket mga anak mayaman. Hindi ko naman nilalahat ha. Nakakainis lang kasi. Kala naman nila maaawa ako sa kanila pag di sila naka pasa. Sa parents nila ako naaawa dahil halos mag paka kuba na ang mga magulang ng mga ito sa kaka trabaho para lang mabigyan sila ng maginhawang buhay at mapag aral sila pero anong ginagawa ng mga ito? Puro l

