Chapter 9

1060 Words
Avril Napasarap na ang jogging at kwentuhan namin ni Michelle kaya di na namin namalayan ang oras. Kung hindi lang naka ramdam na kami ng init sa balat ay di pa sana namin mapapansin na mataas na pala ang araw. Kaya nag pasya na kaming umuwi na. Nag lalakad na lang kami ngayon ni Michelle. "Avril pag may time ka ha huwag kang mahiya na pumunta sa bahay ha ng mas maka pag bonding naman tayo." Bilin nya pa sa akin. "Oo naman basta pag di ako busy, bibisitahin talaga kita dyan sa inyo. Basta pakainin mo ako ha" biro ko naman dito pero pupunta talaga ako sa kanila. Hello tapat lang kaya iyan ng bahay ni Ma'am Jane at saka pag wala akong ginagawa may matatambayan na ako. "Oh sya sige dito na ako. Yan na yung bahay namin oh." Sabi ko dito sabay turo ko sa bahay ni Ma'am Jane. Agad naman na akong pumasok sa loob. Mukhang tahimik pa ah. Baka tulog pa hanggang ngayon siguro si maldita. Sabagay sabado naman ngayon kaya okay lang na maglimlim siya sa higaan. Dumiretso na ako sa may kitchen banda at kumuha sa may reef ng tubig. Nauuhaw talaga ako. Kinulang iyong nadala kong tubig kanina. Sa layo at tagal ba naman ng tinakbo namin kanina ay talagang uuhawin ako non. Tahimik lang akong umiinom ng may biglang tumikhim sa aking likuran. "Ehemm, don't tell me na ganyan ang suot mo na lumabas kanina para mag jogging.?" Biglang tanong sa akin ni Ma'am Jane. Di ko maiwasan naman na di magulat. Saan kaya ito kanina at bakit di ko siya napansin.. Binalingan ko naman ito ng tingin bago sagutin ang kanyang tanong sa akin. "Opo Ma'am, ito nga ang suot ko kanina na nag jogging. May masama po ba?" Balik tanong ko naman dito na tinaasan nya lang ng isang kilay. "Sa uulitin na lalabas ka ay ayaw ko na naka sando ka lang tas ikli ikli pa niyang suot mo na short. Bakit may pinapagandahan ka ba dyan sa labas ha!?" Inis nitong tanong sa akin sa mataas na boses. Di ko naman alam na may pagka conservative pala itong asawa kung ito. At ano daw may pinapagandahan? Eh ngayon nga lang ako lumabas dito sa bahay niya. Tapos kung makapag bintang kala mo naman ay tumambay ako dyan sa labas. Paanong nag jogging lang ako tapos biglang pagbibintangan ako na may pinapagandahan daw. Parang timang Tamang hinala din ang isang ito. Kala ko ba ay walang paki alaman e bakit parang lahat na lang ata ay gusto nyang pakialaman. Di naman sa nagrereklamo ako ha. Pero siya naman kasi ang nag sabi non. Baka gusto nya ipa alala ko pa sa kanya. Pero huwag na lang at baka magalit pa ito e ka aga aga pa kaya. "Wala naman akong pa pa gandahan dyan ah. Mas comfortable lang po talaga ako pag ganito ang suot ko pag nag jogging." Dahilan ko na lang dito para di na ito magalit pa. "Sa susunod ayaw ko na lumalabas ka na naka ganyan lang ha. At saka dapat alam ko kung saan ka nag susuot." Hay bakit ba ang higpit naman ata nito sa akin. Para tuloy mas mahigpit pa siya kila Mommy eh kung makapag bawal sa akin wagas. Baka pag siya ang pinagsabihan ko din ng mga ayaw kong gawin nito bigla nalang itong magwala. Pero kasi dapat na sundin ko na lang siya para wala ng gulo. Alam ko naman na hindi ako mananalo dito pag nakipag argument pa ako sa kanya. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon. Nagpaalam na rin ako dito na aakyat na ako saglit sa aking kwarto at maligo na muna ako. Amoy maasim na kasi talaga ako. Dala ng sobrang pawis ko kanina. Tsaka nakakahiya naman kasi dito na maamoy nya pa ako na maasim na. Minus ganda points ko pa iyon sa kanya. Hehe Madali na lang akong nag shower at mag luluto pa ako ng breakfast namin ni Ma'am Jane. Nandito na ulit ako sa kitchen at magluluto na ako ng breakfast namin. Nag ask na rin ako kung like nya ba na mag rice o hindi na sinagot niya lang ako na ikaw na ang bahala. Kaya napakamot na lang ako sa aking ulo. Magluluto na lang ako ng heavy meals para wala na itong masabi pa. Nang makapagluto na ay nag hain na rin ako tsaka ko ito hinanap na. Nakita ko naman ito sa may garden banda at nag didilig doon ng mga tanim nitong halaman. Medyo mahilig pala ito sa halaman hindi lang halata sa personality nito. "Ma'am Jane kain na po tayo. Nakapag hain na rin po ako." Informa ko dito at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Maya lang ay nakita ko naman ito na sumunod na rin sa akin pagpasok. Hinintay ko muna na maka upo siya bago ako naupo na rin. "Ang dami mo naman atang niluto?" Puna naman nito sa mga naka hain sa lamesa. "Di ko naman po kasi alam ang mga like mo na kainin eh." Sabi ko dito habang naka tingin sa kanya. "Sa susunod mag tipid ka. Wala naman uubos ng lahat ng iyan. Nagsasayang ka lang ng pagkain." Masungit na sabi nito sa akin. Di ko naman maiwasan na mainis din sa kanya. Kung sinagot lang ba naman kasi ako nito kanina ng matino e di sana di na ako nang hula pa ng mga gusto nito. Isa din to eh. Mag susungit ng wala naman sa lugar. Kaasar lang. Nakasimangot na lang ako at di na umimik pa. Para di na humaba pa ang diskusyon. Matatalo pa rin naman ako nito sa bandang huli. "Oh bakit nakasimangot ka na dyan? Sita nito sa akin. "Di mo ako madadaan sa mga pa ganyan mo Del Carmen. Kung sa inyo ay ginagawa mo ang gusto mo pwes hanggang nandito ka sa akin nakatira ay ako ang masusunod. Di uubra sa akin yang mga pa ganyan mo." Tuloy tuloy na sabi nito. Parang gusto ko na lang tumayo at huwag ng kumain pa. Kaasar talaga nakakawalang ganang kumain pa. Pag di pa talaga ito tumahimik ay hahalikan ko na to. Karapatan ko naman yun eh. Asawa ko kaya sya. Pero syempre di ko gagawin yun. Mahirap na at baka magkita kami kaagad ni San Pedro
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD