Episode 48

2641 Words

Agatha Beatrix's POV Nakapangalumbaba lang ako kay Nicolas habang nakangiti ang labi niya na nag-aayos ng pagkain sa isang malaking container. Masyado na naman niyang ginugulo ang isip ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang mahalin. Kung tama lang ba na bigyan ko ulit siya ng pansin. Asawa ko siya at karapat ko 'yon ibigay sa kanya. Pero kaya pa kaya? Paano kung simula ko ulit siyang mahalin pero sasaktan lang pala niya ko? Pero mas okay na 'yon kesa naman si Liam pa ang masakatan. Dapat ko na sigurong tanggapin na ito talaga ang buhay ko. Buhay na may asawang isang demonyo. "May sasabihin ka?" nakangiting tanong niya sa akin. Mukhang sobrang ganda ng gising niya dahil kanina pa siya pangiti-ngiti diyan na parang ewan. Wala namang masaya sa araw na 'to at parang normal na araw lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD